GLOBE SUPORTADO ANG INISYATIBO NG GOBYERNO VS ONLINE CHILD PORNOGRAPHY

GLOBE-CHILD PORN

IKINATUWA ng Globe ang pagbibigay-pansin ng pamahalaan na tuldukan na ang online child pornography.

Mismong si Cabinet Secretary Karlo Nograles ang nag-atas sa internet service providers (ISPs) tulad ng Globe na labanan ang kriminal na gawain na ito.

Ibinunyag ng Globe na magmula nang ipasa ang Republic Act 9775 na naging epektibo noong 2009, ang telco ay aktibo nang sumusuporta sa pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang online child pornography.

Inaatasan ng batas ang lahat ng ISPs na magkabit ng available technology, program o software upang matiyak na mahaharang o masasala ang access o pagpapasa ng anumang anyo o uri ng child pornography. Sa katunayan, ang Globe ay nakapag-block na ng kabuuang 2,521 sites na tinukoy ng mga awtoridad, inendorso ng National Telecommunications Commission para sa blocking, o kinilala sa pamamagitan ng Security Operations Center intelligence.

Para makasunod sa batas, ang Globe ay nauna nang nag-invest sa content-filtering system, na ginastusan ng kompanya ng USD 2.7 million para suportahan ang “PlayItRight” advocacy program nito, target ang illegal/pirated content at online child pornography.

“There is a need for the lawmakers and law enforcers to address certain realities especially on how the internet works in order for ISPs to effectively help in addressing this issue,” pahayag ni Anton Bonifacio, Globe Chief Information Security Officer.

“The filtering software can be viewed as an important first step but more needs to be done. The digital ecosystem has evolved rapidly and ISPs cannot win this battle alone,” dagdag ni Bonifacio.

Ang illegal sites na ito, sa pangkalahatan, ay wala sa loob o hosted sa ISP’s servers, “just as much as Facebook, YouTube, or Google isn’t.” Karaniwang hosted ang mga ito sa cloud, o off-shore servers, at fully encrypted, na nililimitahan ang bisa ng content-based filters. Ayon sa mga pag-aaral, mahigit sa 80% ng Internet ay sineserbisyuhan ngayon sa pamamagitan ng HTTPs o sa paggamit ng SSL encryption.

“In effect, we actually have a very limited view of the content unless we break the encryption, which would be difficult to do without being intrusive to our customer’s devices,” sabi ni Bonifacio.

Bukod dito, ang nasabing illicit activities ay gumagamit ng iba’t ibang sikat na social media platforms upang madaling ma-access ang kanilang content. Ayon sa UNICEF, isa sa pinakasikat na platforms na ginagamit para sa ganitong uri ng content ay ang Tiktok.

Ang mga ito ay madaling ma-access at maibahagi sa iba, at imposibleng ma-block na hindi naba-block ang buong platform. Ang tanging paraan para masugpo ang content na ito sa ganitong uri ng platforms ay ang i-pressure ng gobyerno ang social media platforms o content providers na itigil ang paghahatid ng ganitong uri ng content sa mga consumer.

Ang child pornography ay isang nakasusuklam na krimen na dapat agad masugpo kaya naman patuloy ang Globe sa pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan tulad ng DICT, DOJ, at industry partners gaya ng PCTO at UNICEF at sa lahat ng makatutulong para protetktahan ang mga bata mula sa pagiging biktima ng krimen.

Comments are closed.