PARA mapanatiling connected at updated sa AFP Chain of Command ang security forces na nagbabantay sa key military installations sa Greater Metro Manila, binigyan ng Globe ang mga ito ng kinakailangang gadgets, equipment at technology.
Ang Globe ay nagkaloob sa military frontliners sa pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic ng Cellular Signal Boosters, mobile phones na may load at Globe at Home Prepaid WiiFi devices sa kanilang mga opisina, communication trucks at vans at checkpoint stations na idineploy sa buong Luzon.
Umaasa ang Globe na sa pamamagitan nito ay magiging mas mabilis, maaasahan at accessible ang pagpapalitan ng patnubay, impormasyon at komunikasyon sa pagitan ng iba’t ibang uniformed services- Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force–ng Armed Forces of the Philippines sa panahon ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
“Aside from sending day-to-day instructions to its different joint commands like the Northern Luzon Command (NOLCOM) and Southern Luzon Command (SOLCOM), our military front liners also play a major role in implementing the ECQ by manning checkpoints in major thoroughfares in Metro Mania and all over Luzon. They are also expected to maintain high alert status against possible criminal syndicates or terrorist groups that might exploit the current situation. We need to help ensure that their communication lines remain open and working at all times,” wika ni Melvin Santos, Globe Corporate & Legal Services Group’s Division Head for Access and Regulation.
Nagpasalamat naman si Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, Flag Officer in Command ng Philippine Navy, sa suportang ipinagkaloob ng kompanya.
“The Philippine Navy is grateful for the assistance received from Globe Telecommunication, Inc. in enhancing the Philippine Navy’s communication requirements as it helps the government mitigate the effects of the COVID-19 pandemic. This donation will ensure an improved communication connectivity among fleet-marine teams deployed to the different quarantine control points,” ani Bacordo.
Kabilang sa units na tumanggap ng suporta mula sa Globe ay ang mga sumusunod: The Philippine Navy Headquarters in Roxas Boulevard, Manila The Presidential Security Group in Malacanang Complex Army Signal Regiment in Ft. Bonifacio, Taguig City Philippine Navy Bonifacio Naval Station, Ft. Bonifacio AFP Communications Van stationed in SLEX, Cavitex Philippine Navy Frontline Support deployed at the Marikina Sports Complex Quarantine Facility Army station deployed at Marcos Highway in Marikina.
Tinitingnan din ng Globe ang posibilidad ng pagkakaloob ng tulong upang mapalakas ang signal ng mas maraming AFP units na naka-deploy sa iba pang bahagi ng Luzon.
Ang Globe ay nagkakaloob ng mabilis, maaasahan at accessible internet access sa iba’t ibang ospital sa buong Metro Manila at Luzon, kabilang ang ilang government designated quarantine areas, supermarkets, NAIA terminals at iba pang key areas upang mapanatiling connected ang mga tao sa kanilang mga mahal sa buhay at maging updated sa lahat ng ginagawa ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic.
Comments are closed.