GLOBE TULOY-TULOY ANG SERBISYO

GLOBE PHOTO

“THIS is the biggest challenge for us, so far. With typhoons, we can see the damage, assess if restoration works are possible or not and plan how to attack and solve the problem. COVID-19 keeps us blind, not knowing if it will hit us or not,” wika ni Reden Jobil, Globe senior network operations engineer.

Si Reden ay bahagi ng critical skeletal force na kinabibilangan ng installers, repairmen, network engineers at iba pang tauhan na walang humpay sa pagtatrabaho upang mapanatiling gumagana ang telecommunications facilities at connected o may ugnayan sa bansa sa kabila ng banta ng virus. Sila ang unsung heroes ng bansa.

Ngayon, higit kailanman, ang telecommunications ay gumaganap ng mahalagang papel sa buhay ng mga Filipino na kailangang sumunod sa enhanced community quarantine. Ang data connectivity ay mahalaga para sa  work-from-home employees, para sa mga estudyante na kailangang ipagpatuloy ang kanilang mga aralin, para sa mga ospital upang makipag-ugnayan sa mga doktor at pasyente, at maging para sa national at local government upang tumakbo.

Kaya patuloy ang telecom companies tulad ng Globe sa pagde-deploy ng critical skeletal force nang sa gayon ay manatiling produktibo, connected at may kaalaman ang mga nasa bahay.

Pinangungunahan ni Ernest Cu, Globe president and CEO, ang kompanya sa paghahatid ng pasasalamat sa mga taong ito na sinusuong ang panganib ng posibleng pagkakabantad sa COVID-19 upang kumpunihin ang telecom lines, magkabit ng internet facilities, at patakbuhin ang kritikal na imprastruktura.

“We would like to thank our engineers, installers and other critical skeletal force for holding the fort so that we can continue to provide services to the country with minimal disruption. We can’t thank you enough for the ultimate sacrifice and act of kindness,” ani Cu.

Sa kanilang panig, ang Globe ay nagkakaloob sa skeletal force nito ng meals, accommodations, transportation, insurance, medical expense assistance, at personal protective equipment.

Comments are closed.