GLOBE UMAYUDA SA STUDENT-ATHLETES, TEACHER-COACHES NG SARANGANI

GLOBE TELECOM

PINALAKAS ng Globe  ang Sulong Karunungan and Sulong Atleta Development Programs ng Sarangani Province sa pamamagitan ng pagkakaloob ng lubhang kinakailangang access sa communication tools upang tulungan ang student-athletes, teachers at coaches na makasabay sa mga hamon ng online learning.

Sa isang simpleng seremonya na idinaos kamakailan sa Provincial Capitol sa Alabel, itinurnover ng Globe ang mahigit sa 80 units ng mobile phones, sim cards at P640,000 halaga ng prepaid cards kay Governor Steve Chiongbian Solon bilang suporta sa Sarangani National Sports Academy (SaNSA), ang kauna-unahan sa Region 12, para sa pagsisimula ng bagong school year.

Ang Sulong Karunungan ang educational component ng flagship Sulong Sarangani program ni Governor Solon. Kinabibilangan ito ng inobasyon sa  K-12 Program ng Department of Education habang sinasanay ng Sulong Atleta ang student-athletes sa iba’t ibang sports disciplines tulad ng combative sports, swimming at athletics sa SaNSA.

“Globe Telecom has been an active partner of Sarangani Province in commerce, telecommunications and tourism promotion. Now, I am grateful to have you as a partner in developing the Filipino athlete. Through our Sulong Atleta and Sulong Karunungan development programs, we created the Sarangani National Sports Academy (SaNSA). This is the first of its kind in Mindanao as it is partnered with DepEd to give our student-athletes a leg-up in sports and academics. Our classes start this school year with its first batch of student-athletes. We need to continue building the future of our Sarangani youth following the new normal in health protocols and education. It is our prayer that this partnership will provide momentum for program success. Thank you very much Globe Telecom. Sulong Atleta! Sulong Sarangani!,” wika ni Governor Solon.

Literal na malayo ang mararating ng tulong ng Globe, lalo na sa mga estudyante at guro mula sa mga liblib na barangay ng lalawigan.  Ang mobile phones ay nagbibigay sa kanila ng access sa internet kung saan sila makakakuha ng information at  research materials na kinakailangan nila kapag nagsimula na ang klase. Nagkakaloob din ito ng  platform para maging online ang academic at sports training sessions. Ang load cards ay magiging madali rin dahil hindi na magiging problema ang loading stations.

“We are one with Sarangani Province in ensuring that student-athletes, their teachers and coaches will have tools to help them face the daunting task of making education accessible despite the challenges and concerns brought by the pandemic. We would like to help ensure that they will remain connected and updated especially when blended learning is the new norm,” pahayag ni Yoly Crisanto, Globe SVP for Corporate Communications and Chief Sustainability Officer.

Ang Globe ay nagbigay ng communication support para sa DepEd skeletal teams sa panahon ng pandemya bukod sa pagho-host ng ilang online conferences upang bigyang-diin ang pagsisikap ng pamahalaan para sa mga estudyante at mga guro.

Inilunsad ng kompanya, sa pakikipagtulungan ng DepEd, ang free e-library para magkaroon ng access ang public school teachers at students sa daan-daang libreng international at local titles na angkop para sa K-12 learning.

Bukod sa pagtulong sa mga estudyante at guro, ang  Globe ay umaayuda rin sa health at iba pang medical workers, military at  security frontliners maging sa pagsisimula ng implementasyon ng  travel restrictions at quarantine protocols noong kalagitnaan ng Marso ng kasalukuyang taon.

Comments are closed.