GLORIA GUMAMIT NG MARIJUANA

House-Speaker-Gloria-Macapagal-Arroyo

INAMIN  ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na isa siya sa nagbenepisyo sa paggamit ng medical cannabis o marijuana.

Ayon kay Arroyo, ito ang kanyang ipinanggagamot sa sakit niya sa kanyang cervical spine.

Naglalagay umano ng pain patch na medicinal marijuana si Arroyo sa kanyang cervical spine na sumasakit.

Paglilinaw naman ni SGMA, sa ibang bansa niya ito ginagawa kung saan pinapayagan ang paggamit ng cannabis para sa medical purposes at hindi dito sa Filipinas bilang wala pang batas na sumusuporta rito.

Naniniwala si Arroyo na bukod sa kanya ay maraming may-sakit ang matutulungan ng medical cannabis kaya isa rin siya sa may-akda ng panukalang inihain sa Kamara.

Aminado si SGMA na kahit itinutulak niya mismo ang panukala para sa pagsasalegal ng medical marijuana ay marami pa rin ang kumokontra dito.

Sa ngayon ay nasa ikalawang pagbasa na ang paggamit ng medical cannabis sa Kamara.  CONDE BATAC

Comments are closed.