GLORIA ROMERO, ANG IMMORTAL

Hindi uso ang pangit na artista noong panahong nag-artista si Gloria Romero kaya hindi kataka-takang pati ang mga kontrabidang sina Paraluman at Bella Flores ay ubod rin ng gaganda. Pero kakaiba si Gloria. Malabirhen ang kanyang ganda, na hindi maaaring partisan ng sinuman.

Gloria AnneBorrego Galla ang tunay niyang pangalan at isinilang siya noong 1933 sa Denver, Colorado, USA. Ang kanyang ama ay isang masipag na Filipino na nagngangalang Pedro Galla, at ang kanyang ina ay isang American woman, na ang pangalan naman ay Mary Borrego.

Umuwi siya sa Pilipinas at nag-aral ng elementarya Mabini Elementary School. Nakatapos naman siya ng high school sa Riverview High School sa Mabini, Pangasinan.

Nasa kasikatan siya nang magpakasal sa kapwa artistang si Juancho Gutierrez matapos magkasama sa isang pelikula at magkagustuhan.

Nagsimula lamang siyang “extra” sa Sampaguita Pictures, bago pa may nakapansing maganda pala siya at marunong din namang umarte. Una siyang napansi sa pelikulang Kasintahan sa Pangarap (1951), na ang bida ay sina Pancho Magalona at Tita Duran.

Gumanap siyang anak na babae nina Ramirez at Vergel sa Madame X noong 1952, na ang screen name ay Ms Galla, at pagkatapos ay binigyan ng mas magandang screen name na “Gloria Romero.”

That same year, nakuha niya ang kauna-unahan niyang memorable role sa pelikulang Palasig (1952) na ang kapartner ay ang sikat noong si Cesar Ramirez. Ngunit sa pelikulang Monghita (1952) na siya mismo ang bida at ang kaopartner ay si Oscar Moreno ang nagpatibay ng kanyang hatak sa mga tagahanga at popularidad.

Noong 1953, naging anak siya ni Carmen Rosales sa pelikulang May Umaga Pang Darating.

Nakapartner ni Romero si Ramon Revilla sa Apat na Taga (1953); Fred Montilla sa Recuerdo (1953); Pancho Magalona sa Musikong Bumbong (1954); Ric Rodrigo at Luis Gonzales sa Pilya (1954), at Dolphy sa Dalagang Ilocana (1954), kung saan nakamit niya ang Best Actress Award mula sa Filipino Academy of Movie Arts & Sciences (FAMAS).

Noong 1988, napanalunan ni Romero ang Best Supporting Actress para sa pelikulang Nagbabagang Luha at isa pang Best Actress award sa pelikulang Tanging Yaman (2000).

Nasungkit din niya ang Best Supporting Actress mula sa Film Academy of the Philippines (FAP) sa pelikulang Saan Nagtatago ang Pag-Ibig? (1987), at muli, ginawaran uli siya ng FAP ng Best Actress awards para sa pelikulang Tanging Yaman (2000).

Maraming ulis siyang na-nominate sa FAMAS para sa Best Actress awards sa mga pelikulang Ikaw ang Aking Buhay (1959), Condemned (1984) at Bilangin Ang Bituin sa Langit (1989).

Noong 2001, muli niyang nasungkit ang Best Actress sa Gawad Urian para sa Tanging Yaman (2000) at noong 2004 naman ay Best Supporting Actress award sa pelikulang Magnifico.

Magnifico

Ngayon ay 91 years old na si Gloria Romero. Iginagalang siyang aktres, na ang karera ay umabot sa 70 tao o higit pa. Nakalabas siya sa mahigit 250 pelikulang Filipino at mga palabas sa telebisyon, at kinikilalang Reyna ng Pelikula sa Pilipinas.

Isa siya sa mga major stars ng Golden Age of Philippine Cinema noong 1950s hanggang mid 1060s, kung saan naging isa rin sa mga highest paid actresses noong kanyang kapanahunan dahil sa lakas ng hatak niya ng manonood sa takilya.

Sa haba ng kanyang karera, halos lahat na ng role ay kanyang nagampanan. Bida, kontrabida, support actress, pati extra.

Kasama rin siya sa sitcom na Palibhasa Lalaki kung saan nanalo siya sa Star Awards bilang Best Comedy Actress.

Palibhasa Lalaki

Marami rin siyang pinagdaanang mga pagsubok ngunit lahat ng iyon ay kanyang nalampasan, at nananatili pa rin siyang matatag hanggang sa mga sandaling ito.

(RLVN)