GLYPTODONS SA ARGENTINA

Noong 2021, nakahukay ang Argentine na magsasakang si Juan de Dios Sota ng isang bagay habang nag-aararo siya sa kanyang bukid na malapit sa Rincón de Valle. Nakatagpo siya ng apat na malala­king Glyptodon armored shells, na nakalibing sa lugar na iyon sa loob ng 10,000 taon.

Ang nasabing mga prehistoric creatures, na kahawig ng mga higanteng armadillos, ay nabuhay pala sa mundo sa huling panahon ng Ice Age (Pleistocene epoch).

Dahil marami ang natagpuang armored shells, at magkakasama pa sila, maaaring ang nasabing lugar ay gathering place ng nasabing mga ancient giants.

Hinihinala ring ang lugar kung saan natag­puan ang mga Glyptodons, ay baka final resting place o libingan nila, na nagresulta sa biglaang catastrophic event, o baka biglang pagbabago ng klima, na naging dahilan ng malubhang pagbaha, o sedimentary entrapment (pagkalibing sa putik)— na nagbaon sa kanila sa malalim na lugar, kaya naman ngayon lamang sila natagpuan.

Sa kabutihang pa­lad, nakatulong ang sedimentary entrapment para magkaroon ng exceptional state of preservation. Ang mga armored shells ay patunay na agad silang natabunan, kaya naman naprotektahan sila sa pagkatunaw at pagkabulok.

Ang kakaibang pagkadiskubreng ito ay patunay rin ng bagong insights sa buhay ng mga higanteng hayop na ito.  Nagbibigay din sila ng makapangyarihang sulyap sa nakaraang mundong minsan nilang naging tahanan, na hinubog ng makapangyarihan at mapaghiganting lakas ng kalilasan.

RLVN