GM MONREAL UMAPELA SA MGA PASAHERONG COVID POSITIVE

Ed Monreal

UMAPELA si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa departing passengers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na positibo sa testing sa Covid-19 na iwasang magpunta sa airport upang maiwasan ang transmission ng sakit na ito.

Ito ay matapos makarating sa kanyang opisina ang 138 pasaherong naharang sa NAUA  na pauwi sa ibat-ibang probinsiya nitong nakaraang Abril 15.

Kasabay nito ay inabisuhan ni  Monreal ang mga airlines na mahigpit na ipatupad ang health protocol na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 upang maiwasang kumalat ang sakit sa bansa.

Binalaan din nito ang mga pasahero na iwasan ang modus ng sindikato na nasa likod ng mga pekeng RT-PCR test result, makaraang madiskubre ng kanyang mga tauhan na karamihan sa mga nahuli sa NAIA ay nagbayad ng tig P3,000  sa COVID-19 testing result.

Nagsagawa na rin ng  disinfection sa lahat ng mga terminal para sa safety ng pasahero. FROILAN MORALLOSs

4 thoughts on “GM MONREAL UMAPELA SA MGA PASAHERONG COVID POSITIVE”

  1. 398954 223346The electronic cigarette makes use of a battery and a small heating aspect the vaporize the e-liquid. This vapor can then be inhaled and exhaled 174482

Comments are closed.