BULACAN – DEAD on arrival sa pagamutan ang General Manager ng isang Resto Bar sa Brgy. Mojon Malolos City isang araw bago ang bagong taon.
Sa paunang imbestigasyon, nangyari ang insidente ng pamamaril sa loob ng Corner Grill Resto Bar habang naggagayak ng pampasuwerte ang biktimang si Stella Bagadion, 30-anyos, dalaga at residente ng Brgy. Pinagbakahan sa nabangit na lungsod.
Ganap na alas-10:59 umaga nang maganap ang pamamaril ng tatlong beses sa biktima ng suspek na armado ng maikling kalibre ng baril.
Nabatid na nakasuot ang suspek ng dark colored blue Team USA na may number 10, Bryant, Maong short na dark blue & white Nike short lulan ng Yamaha Nmax 155 na tumakas patungo sa Crossing Malolos.
Naisugod pa sa Bulacan Medical Center ang dalaga, subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician na si Dr. Ada Marielle Ignacio.
Samantala patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa motibo ng pamamaslang sa biktima.
THONY ARCENAL