GMA 7 NANATILING ‘MOST TRUSTED MEDIA SOURCE’

PATULOY na hawak ng giant broadcast network GMA 7 ang titulo bilang ‘most trusted media source’ sa bansa, base sa isinagawang Pahayag Quarter 1 (PQ1-23) Survery, na ipinalabas nitong nakaraang Marso 23 ng PUBLiCUS Asia Inc.

Ang naturang PQ1-23 survey ay isang independent at non-commissioned survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc. sa pagitan ng March 2 to 6, 2023 kung saan 48% ang nakuhang rating ng GMA 7.

Ang ikalawang ranggo ay nakuha ng CNN Philippines (43%) at sinundan naman ng Philippine Daily Inquirer (38%).

Ang iba pa ay ang sumusunod:
ABS-CBN Online (37%), Manila Bulletin (36%), Philippine Star (36%), at TV5/InterAksyon (33%)

Lumabas din sa PQ1-23 survey na ang Facebook at YouTube ang sila pa ring ‘most used media platforms for daily news’ sa Pilipinas kasunod ang Netflix (71%), Instagram (71%), at TikTok (71%) na kapwa nasa third place.

Nabatid din na ang mga Social Media at streaming platforms ang siyang gamit na daily news source ng lima hanggang 10 Pilipino at ito ay sa pamamagitan ng mobile format at bilang frequency na nakikibahagi sa media-related activities, nakakuha ang Print ng 78%, TV 77%, at radio 61%.

Samantala, ayon sa PUBLiCUS Asia Inc., ang PQ1-23 survey ay isang nationwide purposive sampling survey na binubuo ng 1,500 respondents randomly drawn mula sa market research panel ng mahigit 200,000 Filipinos.

Ito ay pinanatili ng Singapore office ng PureSpectrum, isang US-based panel marketplace na may multinational presence, na ang sample ay limitado lamang sa registered Filipino voters at ito”y walang anumang bias o political party affiliations.