IPINALABAS na ng GMA Network ang mga coming shows nila na mapapanood ngayong Hulyo. Siyempre, nagsimula na ang “The Clash” ang new talent search na naghahanap ng isang bagong singer na lalaban sa mga kasama niya, 62 aspirants silang lahat, last Saturday, July 7.
Ipinakita na rin ang “Kapag Nahati Ang Puso” na mapapanood na simula sa Hulyo 16, 11:30 am bago ang “Eat Bulaga. Ang “Onanay” na magtatampok kina Nora Aunor, Cherie Gil, Gardo Versoza, Inah de Belen, Jake Vargas at si Jo Berry.
May 38 seconds naman ang teaser ng action-drama-fantasy series na “Victor Magtanggol” ni Alden Richards. Nakita na sa teaser ang iba pang makakasama ni Alden, sina John Estrada, Andrea Torres, Diana Zubiri, Conan Stevens at sina Coney Reyes as the mother of Victor at ang batang si Yuan Francisco o si Meloy, na pamangkin ni Victor. Marami agad nag-like ng video at nag-share nito kaya kumalat agad last Thursday evening pagkatapos mapanood ito sa “24 Oras.”
Last Sunday, umalis na sina Alden at ang production staff ng “Victor Magtanggol” para sa shoot nila abroad. Kailangan daw kasi ang mga eksenang iyon bilang pagsisimula ng super power ni Victor.
May coming shows pa rin ang GMA 7, ang “Ika-5 Utos” at ang GMA din ang magko-cover ng laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao laban kay Mathesse na magaganap sa Malaysia sa Hulyo 22.
GELLI DE BELEN BALIK-KAPUSO NA RIN
KABABALIK lamang ni Gelli de Belen from Montreal, Canada, matapos nilang mag-attend ng asawang si Ariel Rivera ng high school graduation ng bunso nilang anak na si Joaquin. Sa Montreal na nag-aral ng high school at college ang panganay nilang si Julio at si Joaquin nga ay nagtapos na rin ng high school doon.
Kaya back to work na si Gelli sa Kapuso Network na ten years din siyang naging actress-host, bago siya lumipat ng network. Kasama siya sa sinimulan na bagong project sa GMA, ang afternoon prime drama series na “Ika-5 Utos.”
“I’m glad to be back in GMA, masayang muli kong makasama ang mga nakatrabaho ko na noon,” sabi ni Gelli. “Nakatutuwa ang muli nilang pagwi-welcome sa akin, I feel at home with everybody, heartwarming ang pagbati nila sa akin sa story conference pa lamang namin.”
Makasasama ni Gelli si Jean Garcia at ang kanyang niece na si Inah de Belen. First time niyang makasasama si Inah kaya ayaw raw niyang i-pressure ang pamangkin, pero napapanood daw niya ito sa mga unang ginawa nito sa GMA 7 at pasado naman sa kanya ang acting nito.
Mukhang mabigat ang tema ng “Ika-5 Utos” na sa Holy Bible ay “huwag kang papatay.”
Marami nang naghihintay ng “Ika-5 Utos” dahil ididirek din ito ni Ms. Laurice Guillen na siya ring nagdirek ng long-running afternoon drama series na “Ika-6 Na Utos” na nagtampok naman kina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.
“Excited na rin akong mapanood ng mga televiewers ang “Ika-5 Utos” dahil sa pilot week pa lamang, mapanonood na ninyo kami ni Jean,” pagtatapos ni Gelli.
Comments are closed.