ALINSUNOD na rin sa pagnanais ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na muling buhayin ang pagtuturo ng ‘Good Manners and RightConduct’ o GMRC sa mga mag-aaral na Filipino, iginigiit ng isang ranking lady House official na bukod sa elementary level, ay magkaroon din ng nasabing asignatura maging sa hanay ng college students.
Ayon kay House Committee on People Participation Chairperson at San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Rida Robes, suportado niya ang pagsusulong ng panukalang batas na maging ‘stand-alone subject’ ang GMRC dahil naniniwala siyang mabuting mahubog sa mabuti at tamang asal o pag-uugali at hindi lamang ituon ang edukasyon sa pagbibigay ng karunungan, kaalaman at kasanayan ang mga kabataan.
Upang higit na maging epektibo ang pagtuturo ng GMRC, iminumungkahi ng Bulakenya lawmaker na hindi lamang sa elementarya at high school ito magkaroon ng hiwalay na subject kundi maging sa mga estudyante sa kolehiyo.
“I particularly will push that we restore by legislation the study of values education as a stand-alone subject in basic and higher educational curricula. There is too much indifference and hate among our youth especially in social media. We should again inculcate in them values such as respect for oneself and for others especially our parents and elders, patience, perseverance, courage, industry, honesty, kindness and compassion,” pahayag pa ni Robes.
Bunsod nito, hinimok niya ang Department of Education (DepEd) at ang Commission on Higher Education (CHED) na bumalangkas ng isang ‘general curriculum based on ethics and morals’, na tututok din sa pagbuo ng character ng mga kabataan nang sa gayon ay makatugon sila sa patuloy at nagbabagong hamon ng panahon.
“The DepEd and CHED should lead in the formulation and implementation of an ethical orientation program anchored on the process of moral choice with emphasis on the teaching of moral and philosophical values and not just social and cultural values that are necessary for human survival. What we must aim to build a child’s character to help him cope with life’s difficulties and challenges,” pagbibigay-diin ng San Jose del Monte City, Bulacan solon.
Nauna rito, inaprubahan ng House Committee on Basic Education ang “Good Manners and Right Conduct (GMRC) Act of 2019,” na hango mula sa magkakahiwalay na House Bill (HB) No. 1 ni Speaker Alan Peter Cayetano; HB 609 ni Rep. Resureccion Acop (2nd Dist. Antipolo City); HB 721 ni Rep. Lucy Torres-Gomez (4th Dis. Leyte); HB 3970 ni Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado (1st Dist. Bulacan); at HB 4259 ni Rep. Lorna Silverio (3rd Dist. Bulacan), na naglalayon na magkaroon ng GMRC subject sa Kinder hanggang Grade 3 levels.
Sa kanyang explanatory note para sa HB 1, sinabi ni Speaker Cayetano na sa panahon ngayon na laganap ang paggamit ng ‘internet’, lantad ang lahat ng uri ng impormasyon, maging ito man ay tama o mali, kung kaya kinakailangan mapalakas ang ‘core value’ at magkaroon o maituro ang ‘universally acceptable moral standards’ sa mga kabataan.” ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.