NAIS ni 1996 Atlanta Olympics silver medallist Mansueto ‘Onyok’ Velasco na buhayin ang ‘Go for Gold’ boxing competition para ma-katuklas ng mahuhusay na boksingero na kakatawan sa bansa sa mga international boxing tournament tulad ng SEA Games, Asian Games, Olympic Games at World Boxing.
Si Velasco ay hinirang na boxing consultant ng Philippine Sports Commission (PSC) para tumulong na mapalakas ang programa, lalo na sa kanayunan.
Pinanood ni Velasco ang PSC-Pacquiao Boxing Cup kung saan maraming natuklasang magagaling na boxers.
“Malapit sa puso ko at ang kapatid kong si Roel ay produkto ako ng ‘Go for Gold’. Ito ang dahilan kung kaya gusto kong i-revive ang boxing pro-gram na ito. Very effective ito,” ayon kay Velasco.
Matapos na magretiro, si Velasco ay nagtayo ng boxing gym sa Makati at nagsasanay ng mga batang boxer.
Ang boxing ang tanging sport na nanalo ng dalawang pilak at tatlong tanso sa Olympic Games. Nagwagi si Anthony Villanueva ng pilak sa Tokyo noong 1964 habang si Velasco ay sa 1996 Atlanta. Nasungkit naman nina Jose ‘Cely’ Villanueva noong 1932, Leopoldo Serrantes noong 1988 at Roel Velasco noong 1992 ang pilak. CLYDE MARIANO