MASUSUBUKAN ngayon ang kalibre ng 12 players ni coach Yeng Guiao laban sa Iran. Tingnan natin ang lakas nina Beau Belga, Asi Taulava, Raymond Almazan, Marcio Lassiter, Christian Standhardinger, Paul Erram, Paul John Dalistan, Gabe Norwood, Alex Cabagnot, Ian Sanggalang, Allen Malicsi at Scottie Thompson.
Sa totoo lang, mas malakas ang line up ni coach Guiao ngayon kumpara sa nakaaraan. Sana ay manalo ang Team Pilipinas laban sa Iran. Excited ang mga bagong miyembro ng PH team. Bagama’t maikling panahon lang ang preparation ng Nationals, malaki pa rin ang kumpiyansa ng mga bataan ni coach Yeng. Huwag lang tambakan ang Team Pilipinas, mailapit lang ang iskor, ayos na. Umaasa si coach Yeng na lalaban nang sabayan ang kanyang mga player para bigyan ng kaligayahan ang ating mga kababayan na nagtitiwala sa kakayahan ng lahat. Go, go, go, Team Pilipinas!
Dati ang nako-cover ay si Danny Ildefonso sa kampo ng San Miguel Beer. Ngayong hindi na naglalaro si Ildefonso at kabilang na lang siya sa coaching staff ng Alaska Aces na nagtuturo sa mga big man ng koponan, ganoon din ang papel niya sa National University. Nagtuturo sa mga big man ng team. Kasama sa tinuturuan niya ang kanyang anak na si Dave Ildefonso. Mahusay na bata, hindi nagkakalayo ang laro nilang mag-ama. Shooter, rebounder, mahusay ang depensa at opensa. Matapang sa loob ng court. May isa pang anak si Danny, ang kanyang panganay na si Sean Ildefonso na naunang naglaro para sa Bulldogs. Shooting guard naman ang posisyon ni Sean, pero matindi rin ang shooting niya at malakas mag-rebound kahit may kaliitan.
Grabe ang bilis ng panahon. Dati-rati ay kasa-kasama lang ng nanay nilang si Ren, wife ni Danny I, ang kanyang mga anak kada laro ng Beermen. Ngayon ay sila na ang pinanonood ko at kino-cover sa UAAP. Very proud parents sina Lakay at Ren sa kanilang mga anak. ‘Yung isang babae, kung hindi ako nagkakamali, ay volleyball player, habang ‘yung isang kambal na babae ay nagmo-model naman. Kahit hindi nga nagsipaglaro ng basketball ang mga anak ni Danny I ay kaya nilang suportahan ang pag-aaral ng kanilang mga anak dahil successful naman ang business nila. Kaya suwerte si Danny I sa kanyang asawang si Ren dahil masinop ito sa paghawak ng pera at kabuhayan nila. Congrats!
Ang Columbian Dyip ang first round pick team sa darating na 2018 PBA Draft. Sino kina EJay Perez, Ray Parks at Robert Bolick ang magiging top pick? May right pa rin ang Dyip sa first round pick ng San Miguel Beer kung saan ibinigay nila sina Alex Mallari at Ryan Arana way back 2016. Then, ibinigay si Aldrech Ramos sa Star na ngayon ay Magnolia, tapos dinala nila si RR Garcia sa Beermen. Sana naman ay maging maganda na lagay ng Columbian Dyip sa next opening ng PBA.
Comments are closed.