NAGSAGAWA ng relief operation ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go para sa mga low-income families sa Guagua, Pampanga, na nahaharap sa problemang pinansiyal dahil sa kasalukuyang global health crisis.
Sa isang video message, hinikayat ni Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, ang publiko na gawing pangunahing prayoridad ang kanilang kalusugan.
Hinimok niya ang mga ito na bisitahin ang alinman sa dalawang Malasakit Centers sa kanilang lalawigan, na matatagpuan sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando City, at Rafael Lazatin Memorial Medical Center sa Angeles City, sakaling nangangailangan sila ng tulong medikal.
Ang naturang center ay isang one-stop shop kung saan kumbinyenteng makakahingi ang mga pasyente ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.
Si Go ang pangunahing may akda ng Malasakit Centers Act of 2019 na pinakikinabangan na ngayon ng mahigit tatlong milyong Pinoy sa buong bansa.
Samantala, namahagi rin ang mga staff ni Go ng mga pagkain at masks sa may 1,471 nangangailangang residente sa Guagua National Colleges Gymnasium.
Namigay rin sila ng computer tablets at bagong pares ng sapatos sa mga piling recipients, gayundin ng mga bisikleta sa iba pa, upang mapadali ang pagbiyahe ng mga ito.
Isang team naman mula sa DSWD ang nag-distribute ng tulong pinansiyal sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation program, na bahagi ng ongoing government efforts para pagaanin ang impact ng pandemya sa low-income sectors.
Muli rin namang hinikayat ng senador ang mga kuwalipikadong residente na magpabakuna na kontra COVID-19 dahil ang pakikilahok aniya nila sa national vaccination program ng pamahalaan ay makatutulong upang mapabilis ang pagbalik sa normal ng sitwasyon sa bansa at pagbubukas ng mas marami pang economic opportunities para sa lahat.
Pinasalamatan din ng Sen.Go, ang mga lokal na opisyal sa Guagua dahil sa patuloy na suporta sa kanilang mga constituent na apektado ng pandemya.