NAGPAKITA ng intensiyon ang Indonesian ride-sharing firm na Go-Jek para pumasok sa Pilipinas at sumali sa ibang kompanya na gustong hamunin ang monopolyo ng Grab, ayon sa transport regulator kamakailan.
Nag-post ang Go-Jek ng pagbubukas ng software engineering staff sa Philippine-based recruitment portal na Kalibrr.
Iniwasan na ng Grab ang mga reklamo tulad ng mataas na singil sa pasahe, mapili at isnaberong drivers mula nang mabili ang kanilang dating karibal na Uber noong nakaraang buwan. Ilang Pilipino ride-sharing companies ang nag-apply ng accredita-tion sa gobyerno.
Sinabi naman ni LTFRB board member Aileen Lizada na pag-aaralan nila ng mabuti ang pagpasok ng foreign players dahil maaari itong makapag-displace ng mga kompanyang lokal.
“What will happen to our local companies? We need to protect our local companies as we engage itong mga TNCs,” pahayag ni Lizada.
Ang Transport Network Companies o TNCs ay nagpapatakbo ng app-based plat-forms na siyang nagkokonekta sa mga driver at pasahero.
Mabuti ang may kompetisyon pero ang magbukas ng maraming TNCs para magser-bisyo ng 65,000 drivers ay maaaring mangahulugan ng “paggawa ng maraming bagay ng sabay-sabay” o “spreading ourselves too thinly,” dagdag pa niya.
Comments are closed.