IBINASURA ng Land Transporation and Regulatory Board (LTFRB) ang aplikasyon ng Go-Jek para maglunsad ng ride-hailing service sa Filipinas.
Sinabi ni LTFRB Board Chairman Martin Delgra, bigo ang Go-Jek unit Velox Technology Philippines na makamit ang mga kinakailangang requirements para sa foreign ownership.
Mababatid na ang caps foreign ownership ng bansa sa ilang enterprises ay nasa 40 percent.
Kasalukuyang nananatiling ride-hailing sa bansa ang Singapore-based Grab Inc., na siya naring nag-take over sa operasyon ng Uber sa Southeast Asia.
Ang Go-Jek ay isang Indonesian company. NENET V
Comments are closed.