GO LOKAL! STORE BINUKSAN SA NEW CLARK CITY

GO LOKAL-SEA GAMES

MABIBILI na ang souvenirs, food products at halal cuisine para sa mga atleta at bisita sa 30th Southeast Asian Games sa Go Lokal! Store at Halal Food Hub na matatagpuan sa East Commercial Building, New Clark City (NCC) sa Capas, Tarlac.

Ang Go Lokal! ay isang flagship program ng Department of Trade and Industry (DTI), sa pakikipagtulungan ng major retailers at mall owners upang tulungan ang MSMEs na maibenta ang kanilang mga produkto sa mainstream market.

Ideya ni DTI Secretary Ramon Lopez, ang Go Lokal! at Halal Hub facility sa NCC ay isang kolaborasyon sa pribadong sektor, partikular ang Bases Conversion Development Authority (BCDA) at PhilExport upang maging available ang  Halal cuisine at Philippine souvenirs at food products, kabilang ang OTOP, Likha ng Central Luzon at Maranao Products para sa pagbubukas ng 30th SEA Games.

Ang launching ng Go Lokal! Pop Up store at Halal Food hub ay pinangunahan nina DTI Undersecretary Abdulgani M. Macatoman at Mrs. Mufaidah Macatoman, Vice President Arrey Perez of BCDA, Director Marievic Bonoan ng DTI Bureau of Domestic Trade Promotion, Assistant Regional Director Zoriňa Aldana ng DTI Region 3 at Provincial Director Elenita R. Ordonio ng DTI Pampanga.

Ang mga tampok na Philippine brands ay ang Island Girl, AKABA, Project Beans, B&C Healthy Snack Food Inc., Auro Chocolates, Gifts & Graces and Mira’s Turmeric Tea, among others. On the other hand, Halal food concessionaires include Hen Lin, Magic Melt, Asian Food Cuisine, Rajput Halal Pak Cuisine, La Rose/ Aqua Panem, Bricks at Copper.

Comments are closed.