GO, NAGSAGAWA NG RELIEF ACTIVITY SA QC

NAGSAGAWA ng relief activity sa mga mahihirap na pamilya sa Nova­lichez, Quezon City ang mga staff si Sen. Christopher ‘Bong’ Go.

Sa isang video message, sinabi ni Go na maraming Pinoy ang walang hanapbuhay sa ngayon o di kaya ay nag-aalala para sa kanilang kabuhayan, kaya’t tiniyak niyang patuloy na nagsusumikap ang pamahalaan para matulu­ngan sila at kanilang mga pamilya, kasabay ng pagtugon sa mga hamong dulot ng kasalukuyang health crisis.

“Mga kababayan, alam naming mahirap ang panahon ngayon. Marami ang nagsarang negosyo o nawalan ng trabaho at ang bawat isa diyan ay may pamilyang pinapakain. Kailangan muna nating magtulungan at magba­yanihan upang malampasan natin ito bilang nagkakaisang mamamayang Pilipino,” ayon pa sa senador. “Huwag po tayong mag-alala. Ginagawa ng gobyerno ang lahat para i-balanse ang kalusugan ng bayan at ang panga­ngailangan ninyong magtrabaho para sa inyong mga pamilya.”

Nagkaloob din naman ang grupo ng senador ng mga pagkain at masks sa may 666 mga residente sa Zabarte Subdivision Co­vered Court sa Barangay Kaligayahan, gayundin ng mga bagong pares ng sapatos, bisikleta para sa transportasyon at computer tablets, sa ilang piling indibidwal.

Bilang karagdagan, ang mga personnel naman mula sa Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) ay namahagi ng financial aid bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan na matulungan ang mga taong nasa crisis situations.

Pinaalalahanan  ni Go ang lahat na manatiling vigilante, istriktong obserbahan ang minimum public health requirements, at hinikayat ang mga ito na magpabakuna na laban sa COVID-19 upang makaiwas sa malalang karamdamang dulot ng virus.

“Ang pangunahing layunin natin ay ang matigil ang pagkalat ng COVID-19 sa ating bansa para mas mapabilis ang pagbalik natin sa normal. Pakiusap ko sa mga kapwa ko Pilipino, kung eligible kayo, ‘wag kayo matakot at magpabakuna kayo. Kapag marami ang bakunado, mas ligtas ang ating mga pamilya at komunidad,” apela pa ni Go.

Bilang pinuno ng Se­nate Committee on Health, nag-alok  siya ng tulong para sa mga taong may health concerns at pina­yuhan ang mga ito na mag-avail ng medical aid mula sa pamahalaan, sa pamamagitan nang pagtungo sa pinakamalapit na Malasakit Center sa kanilang lugar.

Ang Malasakit Center, na naitatag sa pamamagitan ng RA 114631, na iniakda ni Go at inisponsoran ng Senado, ay isang one-stop shop na tumutulong sa mga pasyenteng nanghihingi ng tulong mula sa DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 151 Malasakit Centers sa buong bansa at 11 sa mga ito ang matatagpuan sa Quezon City.