NANAWAGAN si Senador Richard Gordon sa taumbayan na gamitin ang karapatang bumoto kung sino ang nararapat na mamuno para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Binigyang diin ng senador, ang BSKE ay kasing halaga rin ng national at local elections dahil ang laki ng ginagampanang papel ng mga lider ng ba-rangay sa kanilang nasasakupan.
Pinaalalahanan din ng senador ang mga botante na piliin ang mga lider na makikinig at nakaiintindi sa hinaing ng kanilang residente at mapapaunlad ang kanilang barangay.
Kaugnay rin nito, hiniling ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa Commission on Elections (COMELEC) at Philippine National Po-lice (PNP) na mahigpit na ipatupad ang batas laban sa vote-buying.
Aniya, sa ilalim ng Omnibus Election Code ipinagbabawal ang anumang bagay na ipinagkakaloob sa mga botante o ang tinatawag na vote buying sa panahon ng halalan.
Pinaalalahanan din ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang mga Manilenyo na maagang magtungo sa kani-kanilang polling precinct upang makaiwas sa mahabang pila.
Aniya, maging matalino ang mga ito sa pagboto at tiyaking ang kandidatong iluluklok sa puwesto ay yaong may integridad at magiging re-sponsableng lider.
Tinukoy rin nito, hindi na dapat pang ihalal muli sa puwesto ang mga kandidatong gumawa ng pera habang nasa puwesto, gayundin ang mga nasangkot sa iba’t ibang illegal na aktibidad, lalo na ang illegal na droga.
Maging ang mga guro na magsisilbi sa eleksiyon ay pinaalalahan ang alkalde na gawin nang tapat ang kanilang tungkulin at maging vigilante sa mga oportunistang maaaring lumikha ng kaguluhan.
Dapat din aniyang maging handa ang mga ito sa pag-asiste sa mga botante.
Base sa datos ng COMELEC, umabot sa 41,948 punong barangay at 293,636 barangay kagawad ang kumakandidato ngayong halalan. VICKY CERVALES
SUBSTITUTION
PINAPAYAGAN ng COMELEC ang substitution sa mga kandidatong nasawi o binawian ng buhay bago ang pagdaraos ng Barangay at Sanggu-niang Kabataan Elections (BSKE), hanggang ngayong Lunes, aktuwal na araw ng halalan.
Ito ang nilinaw ng Comelec sa inisyu nilang Resolution No. 10329.
Alinsunod sa naturang dalawang pahinang resolusyon, maaari pang magkaroon ng substitution sa sinumang kandidato na binawian ng buhay bago ang halalan na hanggang 12:00 ng tanghali sa mismong election day.
Nabatid na nagpasyang maglabas ng resolusyon hinggil sa isyu ng substitution ang Comelec en banc, matapos na makatanggap ng mga kahilingan na mapalitan ang ilang kandidato sa barangay at SK polls, na sa ‘di inaasahang pagkakataon ay nasawi o napatay, bago ang halalan.
Nagpalabas din ang Comelec ng ilang panuntunan na susundin para sa substitution, salig na rin sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong Rulloda vs. COMELEC. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.