GO SA ICC RESOLUTION: BIGYAN NATIN NG RESPETO SI DATING PANGULONG DUTERTE

IGINIIT  ni Senador Christopher “Bong” Go na dapat bigyan ng respeto ng Senado at ng House of Representatives si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa gitna ng mga resolusyong inihain ng mga miyembro ng Kamara na humihimok kay Pangulong Ferdinand Marcos “Bongbong” Marcos Jr. na muling sumali sa International Criminal Court (ICC).

Iginiit ni Go na hindi dapat ang banyagang korte ang maglitis kay Duterte.

“Ibigay natin sa kanya what is due to our former president dahil nagtrabaho po siya sa ating bayan.

Ang sabi ko, Pilipino po dapat ang humusga sa kanya hindi po banyaga. Pilipino po ang dapat humusga,” ayon sa mambabatas.

Sinabi ni Go na nakausap na ang legal team ni Duterte ngunit hindi pa niya napag-uusapan ang mga resolusyon ng ICC sa dating pangulo.

Samantala, suportado ni Go si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa bilang “kasama” nila sa Senado.

Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police noong ipinatupad ang war on drugs.

Sinusuportahan po namin si Senator Bato bilang ka-partido at kasamahan sa Senado. Naniniwala po ako na ginamapanan lang po ni Senator Bato dela Rosa ang kanyang tungkulin bilang chief PNP nung panahon ni Pangulong Duterte,” ayon kay Go. LIZA SORIANO