“GO signal” na lamang ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Estados Unidos (US) ang hinihintay para sa pag-sasapinal ng St. Lawrence de Martir sa mga gagawin at seremonya kaugnay sa pagsalubong ng tatlong kampana ng Balangiga sa Eastern Samar na tinangay ng mga Amerikanong sundalo noong Philippine-American War.
Ayon kay Father Serafin Lintoy Tibaco, kura paroko at chairman ng committee of the return of the Balangiga bells, sa isinagawang joint meeting kabilang si Balangiga Mayor Randy Graza, mga kawani ng local government yunit at ilan pang committee member ay tinalakay ang takbo ng programa, sino ang magbibigay ng garland, ano ang pagkain na ihahanda, T-shirt na susuotin, at souvenir na ibibigay.
Subalit, ang lahat ng ito ay nananatiling nakabinbin at hindi maaaring makapagbigay ng iba pang detalye hangga’t wala pang go signal ang DFA at US.
Gayunpaman, nilinaw ni Father Serafin na patuloy ang kanilang paghahanda gaya ng pagsasaayos ng naturang simbahan at paglalagakan ng tatlong kampana.
Una nilang kinuha ang mga ruins na kampana para mapalitan ng mga tunay na kampana na kinuha ng mga Amerikano bilang war trophy.
Samantala, hinangaan naman ni Father Serafin si Pangulong Rodrigo Duterte at lahat ng mga key player na nagpursige na maibalik sa Filipinas ang historical na kampana.
Sa ngayon ay patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Diocese ng Borongan sa pagpaplantsa ng iba pang aktibidad.
Comments are closed.