PATULOY na nagkakaloob ang tanggapan ni Senador Christopher “Bong” Go ng tulong sa mga low-income communities sa bansa sa gitna ng nararanasang global health crisis, at sa pagkakataong ito, daan-daang indigent residents naman sa Quezon City ang kanilang natulungan.
Namahagi ang outreach team ng senador ng mga pagkain at face masks sa may 833 vulnerable residents na mula sa mga barangay ng North Fairview, West Fairview, Gulod, San Bartolome, Nova Proper, Greater Lagro at Sta. Lucia sa Teresa Heights Subdivision Covered Court.
Namahagi rin sila ng mga bagong pares ng sapatos at computer tablets, gayundin ng mga bisikleta sa mga piling residente upang makatulong sa mga ito sa kanilang pagko-commute ngayong patuloy na sumisirit ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Samantala, ang Department of Social Welfare and Development naman ang nagkaloob din ng suportang pinansiyal sa mga residente, sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation program.
Sa isang video message, hinikayat ni Sen. Go ang lahat ng kuwalipikadong indibidwal na magpaturok na ng primary series at booster shots ng COVID-19 upang maprotektahan sila laban sa virus at mapalakas pa ang economic recovery ng bansa.
Bilang chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, nagkaloob din si Go ng karagdagang tulong para sa mga taong may medical concerns at pinayuhan silang bisitahin ang alinman sa 31 Malasakit Centers sa Metro Manila, kabilang ang 11 na matatagpuan sa Quezon City.
Pinuri rin naman ng senador ang mga lokal na opisyal ng Quezon City sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte dahil sa patuloy na pagtulong at pagseserbisyo sa kanilang mga residente ngayong panahon ng pandemya.