LINGID sa kaalaman ng karamihan na malaki ang naitulong ni Senador Bong Go sa agarang pagdating ng isa pang Covid 19 vaccine sa bansa mula sa United Kingdom.
Ngayong araw ay nakatakdang salubungin ng Pangulong Duterte at ni Sen. Go ang 525,600 doses ng AstraZeneca sa airport na mula pa sa bansang England. Nauna nabg dumating naman sa bansa ang Sinovac mula sa China kahapon.
“Kinausap ko po si British Ambassador to the Philipines Daniel Pruce noong Miyerkoles kung maaring padalahan na rin tayo ng AstraZeneca na gawa sa Britanya para may option ang mga frontliner kung anong bakuna ang gusto nila,” ayon kay Go na Chairman din Senate Committee on Health.
Aniya, “nangako naman si Ambassador Pruce na tutulong sa agarang pagpaparating ng nasabing bakuna sa ating bansa. At ‘yun na nga, parating na ang AstraZeneca ngayong araw.”
Dagdag pa ni Go, “naisip ko lang kasi na takot ‘yung iba magpabakuna kung Sinovac lang at wala ng pagpipilian. Kaya minarapat natin na madaliin ‘yung ibang AstraZeneca sa tulong ng kanilang gobyerno.”
Sinabi rin ni Go na magpapabakuna sila ng Pangulo sa harap ng publiko para tumaas ang kumpiyansa ng mga tao sa mga bakunang ito.
“Ito lang po talaga ang paraan o susi para makabalik na sa normal na pamumuhay ang buong mundo,” pahabol pa ng senador.
Comments are closed.