GOBYERNO ‘DI MAGKAKASO SA PAGSIRA NG CHINA SA CORAL REEFS

coral-reefs

HINDI magsasampa ng reklamo ang  Duterte administration laban sa China kaugnay sa pagkakasira ng coral reefs sa Scarborough Shoal.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na kumbinsido ang administrasyon sa diplomasya at saksi sila sa positibong resulta ng “friendly consultation” at negosasyon sa China.

Ang pagsasampa ng kaso laban sa China ay ikasisira umano ng diplomatic gains at hindi makatutulong sa gumagandang relasyon ng Filipinas at China.

Giit ni  Roque, imbes na magsampa ng kaso, mas mabuting idaan na lamang ito sa umiiral na bilateral consultation mechanism (BCM) sa China na nagbunga nang produktibong palitan ng pananaw para mapaigting ang kooperasyon sa iba’t ibang areas kabilang na ang maritime environmental protection.

“Filing a new case against China will reverse our diplomatic gains, not to mention the cost it entails. We can therefore discuss the issue of destroyed coral reefs in Scarborough Shoal as this forms part of the area of maritime environmental protection instead of filing a new case.”

Comments are closed.