GOBYERNO KUMIKILOS KONTRA EL NIÑO

EL NIÑO-2

NAGHAHANDA at gumagawa na ng aksiyon ang pamahalaan para labanan ang napipintong El Niño phenomenon ngayong nalalapit na panahon ng tag-init.

Ayon kay Senadora Cynthia  Villar,  kumikilos at nakipag-ugnayan na siya sa Department of Agriculture kung saan ipinaalam sa kanya na nakikipag-coordinate na ang mga opisyal ng ahensiya sa Philippine Airforce para sa cloud seeding sakaling kakailanganin.

Sinabi rin ng senadora na magkakaroon ng re-scheduling ng planting season ang Department of Agriculture na dapat na sundin ng mga magsasaka para hindi maapektuhan ang kanilang mga pananim.

Ipinaliwanag pa ni Villar na kapag panahon ng tag-init o sakaling tumama ang El Niño dapat na magtanim ang mga magsasaka ng mga gulay na hindi na kinakailangan ng maraming tubig.

Gayunpaman, aminado ang senadora na hindi talaga kayang labanan ang El Niño kaya’t ang nakikitang solusyon dito ang rescheduling ng mga crop o pananim.

Aniya, sa ganitong paraan hindi masyadong maaapektuhan ang mga magsasaka sakaling tumama ang El Niño sa bansa.     VICKY CERVALES

Comments are closed.