GOBYERNO UUTANG NG P1.4 TRILLION

duterte

AABOT  sa P1.4 trillion ang uutangin ng gob­yerno sa susunod na taon.

Sa mensahe ni ­Pangulong Rodrigo ­Duterte, sinabi nito na magkakaroon ng mix policy borrowing na 75:25.

Sa P1.4 trillion, P1.047 trillion o 75% dito ay uutangin sa mga bangko sa bansa habang ang nalalabing P353.2 billion o 25% ay uutangin sa abroad.

Sa kabuuang halagang uutangin, P677.6 billion ay gagamitin na pampuno naman sa P4.1 trillion 2020 national budget.

Sa pagtaya ng pamahalaan kikita ito ng P3.536 trillion sa taong 2020.

Samantala, maglalaan naman ng P451 billion na pambayad utang sa ilalim ng panukalang pondo para sa susunod. CONDE BATAC

Comments are closed.