GOD BLESS YOU, EJ

SASALANG na si EJ Obiena sa men’s pole vault final ngayong gabi (August 3, 6:20 p.m.) sa Japan National Stadium.

Sa kanyang third at final attempt sa qualifying ay na-clear ni Obiena ang 5.75m upang samahan ang 11 iba pa sa  show-down para sa pinakaaasam na gold medal.  Para sa Team EJ, ang huling lvault ang pinakamahalaga.

“Erase na ‘yung nangyari sa qualifying, back to zero, start from scratch,” sabi ni coach Emerson Obiena, at binigyang-diin na determinadong bumawi ang kanyang anak mula sa nakadidismayang simula noong Sabado.

“Relieved ako noong nasukat na ni EJ at more relaxed na siya sa last jump,” dagdag ni Emerson.

Mabigat ang laban ng Pinoy vaulter. Kailangan niyang kumayod nang husto para makasungkit ng medalya. Kailangan niyang lumundag ng mas mataas sa 6.00m para makuha ang gold o mahigitan ang kanyang personal best na 5.87 para sa podium finish.

Makakasagupa ni Obiena ang star-studded cast sa pangunguna nina world record holder Armand Duplantis ng Sweden at Rio Games champ Thiago Braz sa kanyang layuning makasambot ng puwesto sa kasaysayan ng Philippine sports.

Si Ukrainian coach Vitaly Petrov ang nasa sidelines sa ultimate showdown. “I’ll talk to coach Vitaly for the game plan,” ani Obiena.

Ang Filipino bet ay pang-No. 11 sa order of play makaraang pumanlima sa kanyang grupo sa qualifying round sa likod nina Kc Lightfoot ng United States, Kurtis Marschall ng Australia, Renauld Lavillenie ng France, at Emmanouil Karalis ng Greece.

Nasa final cast din sina Menno Vloon ng Netherlands, Christopher Nilsen ng USA, Bo Kanda Lita Baehre ng Germany, Harry Coppell ng Great Britain, Oleg Zernikel ng Germany, Ersu Sasma ng Turkey at Piotr Lisek ng Poland. Si Zernikel ang huling final qualifier sa grupo ni Obiena sa nilundag na 5.65m.

Nagkuwalipika sa Group B sina Baehre, Nilsen, Duplantis, Vloon, Braz at Lisek, pawang lumundag ng 5.75 at Coppell at  Sasma sa 5.65.

Si Duplantis ang ‘man to beat’ sa pagiging world record holder ng 6.18, na may season-best na 6.10 CLYDE MARIANO

One thought on “GOD BLESS YOU, EJ”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *