LAGUNA – ARESTADO ng pinagsanib na puwersa ng Pesidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration (BI) ang tinaguriang godfather ng ilegal na Philippine sa isang subdivision sa Binan City, Laguna nitong Huwebes ang diumano’y “godfather” ng POGO sa buong Pilipinas.
Ayon kay PAOCC Chief Usec. Gilbert Cruz, ang naarestong itinuturong pinakapinuno ay kinilalang si Lyu Dong na gumagamit ng mga alyas na “Hao Hao” o “Boss of the boss.”
Ayon sa report, inaresto ang 19 dahil sa mission order na inisyu ng Bureau of Immigration at magkasamang nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng PAOCC at Biñan City Police sa Las Villas De Manila, sa Arsobispo Street, Southwoods sa Biñan City alas-8:00 ng gabi nitong Huwebes.
Kabilang din sa mga naaresto ay 12 pang foreign nationals na umano ay mga “boss” ng POGO at anim na Pilipino na mga bodyguard ng mga ito.
Sinasabing ang mag suspek ay konektado sa POGO operations in Porac, Pampanga at sangkot din sa mga “scam farms” sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.
Kabilang dito ang dalawang kumpanya sa Ilocos Sur, Lucky South 99 at Hongsheng/Zun Yuan sa Central Luzon, at dalawang illegal POGO sa CALABARZON.
BONG RIVERA