ANG paglulugon ay normal cycle ng buhay ng ating manok na once a year ay nangyayari, puwede i-delay maglaglag ang balahibo basta huwag ibabad sa initan at ipabasa sa ulan pero hinding-hindi mo kayang pigilan.
“The best way is the natural way! Kaya dapat po ang pinalulugon na manok ay kursunada mo para hindi ka mainip kasi tumatagal ng 6 months para kumpleto ang panibagong balahibo,” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.
“Mapapagod ka lamang sa pag-aalaga kung may diperensiya o kapintasan ang pinalulugunan tapos hindi rin naman sigurado na mananalo. Libangan ko po ang pagmamanok kaya kahit hindi sila mapalaban basta nasa tabi at araw-araw ko lang nakikita ay masaya na ako, huwag lang po ‘yung hitsura naman ay ‘yung masakit sa mata,” dagdag pa niya.
Aniya, awang-awa siya sa sarili niya kapag natatalo ang kanyang alagang manok kasi kung ano-ano na ang naiisip niya.
“Kung sino-sino pa ang naaalala mo lalo na ang tao na may sabit sa iyo habang pinupulot mo ang manok mo sa loob ng ruweda,” ani Doc Marvin.
“Ang matalo ang aking manok ay kayang- kaya at tanggap na tanggap ko po sapagkat ‘yan po kauna-unahan kong natutunan ang palaging talo sa laban! Pinakamasarap na ang tumigil sa paglaban lalo kung kakapanalo lamang kahit po ito ay halagang piso lamang,” dagdag pa niya.
Samantala, kung ang breeding program ay linebreeding (ipares sa kadugo, ipalahi ang magpinsan, etc.) at iisa na hitsura ng kulay o anumang katangian ng anak mula paa, tuhod, balikat, ulo at pagkilos, lalo na ang paglakad ay sign na po na dapat na i-cross/ipalahi sa ibang linyada na wala siyang relationship crossbreed/ hybrid vigor para ma-maintain ang quality or maiwasan ang diperensiya ng magiging anak.
“Ikaw ang dapat as a breeder ang nakakaalam kung saan linyada mo siya ipares at yon ay depende sa iyong standard o pamantayan para alam mo ang iyong pupuntahan,” ani Doc Marvin.
Anya, hindi niya kayang sagutin ang katanungan kung ano o ayos ba ang magiging anak kapag pinagpares kung anong linyada ang mayroon kayo, mas maganda ay subukan ninyong i-breed para mas sigurado raw.
“Kapag ang katanungan ay kung ano ang magiging anak ng palahi mo, ang magiging sagot ko po ay manok pa rin,” ani Doc Marvin.
Ayon sa kanya, “uniformity is a sign of quality.”
“Kung ano pong breeding program ang mayroon ang bawat isa sa atin ay iyon po ay nirerespeto ko at ano mang pamamaraan na doon kayo nanalo ay ituloy lang at huwag nang baguhin pa dahil sa dulo ang usapan naman ay kung nanalo ang manok mo!” ani Doc Marvin.
Sa pagpapalahi ng manok panabong dapat po tayo mismo ang nakakaalam kung anong linyada ang nakapaloob sa materyales na gagamitin natin kaya napakahalaga ng recordings at markings para masusubaybayan natin.
“Sadya po ang pag-breeding ay tumataya ka diyan kasi walang kasiguruhan kung ano ang lalabas pero ibang tayaan ang quality na linyada naaayon sa iyong panlasa at dapat kaya mo ipaliwanag kapag may nagtanong ng BAKIT,” ani Doc Marvin.
Dapat, aniya, na mag-set talaga tayo ng target at standard para kung anuman ang lumabas, maganda or hindi maayos at least, kursunada natin at wala na tayong sisisihin pang ibang tao.
“Madaling humanap ng super galing na manok pero hinding-hindi ka makakakita ng siguradong mananalo!” pagtatapos niya.
224330 651587Hello! Very good stuff, please maintain us posted when you post again something like that! 947300
929411 653301I dont feel Ive scan anything like this before. So great to find somebody with some original thoughts on this subject. thank for starting this up. This internet site is something that is required on the web, someone with a little originality. Good job for bringing something new to the internet! 728718
672212 216939I like this web site because so significantly useful stuff on here : D. 393281