‘GOLD, GRIT, AND GLORY AWARD’ KAY OBIENA

PARARANGALAN si EJ Obiena hindi lamang dalawang beses kundi tatlo sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards Night.

Sa kanilang ika-60 na anibersaryo, ang MILO ay magbibigay-pugay sa world’s no. 2 pole vaulter sa paggagawad sa kanya ng  ‘Gold, Grit, and Glory Award’ sa Jan. 29 proceedings sa grand ballroom ng Diamond Hotel.

Ang parangal ay kumakatawan ss “excellence, resilience, at inspiration” sa mundo ng pole vaulting.

Ang award ay pangatlo na tatanggapin ng 28-year-old University of Santo Tomas product sa annual gathering — ang unang dalawa ay ang coveted Athlete of the Year award at kabilang sa lead athletes na bibigyan ng citations ng sports writing fraternity ng bansa na pinamumunuan ni Nelson Beltran, sports editor ng The Philippine Star.

Si Obiena ang pangalawang elite athlete na kikilalanin ng MILO, kung saan si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang unang ginawaran ng naturang parangal noong nakaraang taon.

Ang traditional awards night na eksklusibong idinadaos ng 75-year-old media organization ay itinataguyod ng ArenaPlus, ang 24/7 sports app sa Pilipinas, kasama ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Cignal, at PLDT/Smart bilang major sponsors, at suportado ng Philippine Basketball Association, Premier Volleyball League, 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero, at Rain or Shine.

Igagawad ni MILO Sports head Carlo Sampan kay Obiena ang special honor.

An athlete who embodies the Grit for unwavering determination in the face of challenges, and Glory to become an inspiration for others,” pahayag ng MILO sa isang statement.

In celebration of 60 years in the Philippines, MILO aims to honor and empower athletes to reach new heights and stands as a testament to MILO’s legacy of pursuing greatness in sports.

Kikilalanin din ng MILO ang 12 recipients ng Tony Siddayao awards bilang testamento sa suporta nito sa young, promising Filipino athletes.

Magsisimula ang registration para sa Awards Night sa alas-6 ng gabi.