GOLD MEDALIST NG BATANGAS, SASABAK SA PALARONG PAMBANSA 2024

NASUGBU – HANDA nang sumabak sa nalalapit na Palarong Pambansa 2024 na gaganapin sa Cebu ang 13-anyos na dalagita mula sa Butucan, Nasugbu, Batangas na gold medalist sa track and field event.

Si Katherine Salba, ay isang Grade 7 student mula sa Malapad na Bato National High School.

Sa interbyu kay Catherine, sinabi niyang nagsimula siyang magkainteres sa ganitong sports partikular ang pagtakbo noong siya ay nasa Grade 6 pa lamang.

Nabarid na ang unang nilahukan ng dalagita ay ang high jump ngunit nabigo ito at ngayon, pagtakbo naman ang kanyang tinahak.

Matapos sungkitin ang gintong medalya at manalo sa Regional Meet, nag-qualify siya sa 3000 meter-run sa Palarong Pambansa.

Sa ngayon ay puspusan na ang pag-eensayo at pagpapalakas ng katawan nito bilang paghahanda para sa darating na laban sa tulong ng kaniyang Coach na si Yourke Tamayo.

Aniya, inspirasyon niya ay ang kanyang pamilya at mga kaibigan dahil sila ang nagbibigay ng lakas ng loob para siya’y magpatuloy sa paglalaro.

Nais iparating ni Salba sa kapwa kabataan na mga manlalaro, ipagpatuloy lamang ang paglalaro at huwag panghinaan ng loob at higit sa lahat ay magtiwala palagi sa Panginoon.

RUBEN FUENTES