GOLD NI HIDILYN ALAY SA MGA BIKTIMA NG C-130 PLANE CRASH

NATUPAD ni Olympic Gold Medalist and Philippine Air Force Sergeant Hidilyn Diaz ang kanyang sinumpaang pangako na sisikapin at iaalay ang kanyang panalo sa Tokyo Olympic sa mga ng biktima ng bumagsak na PAF C-130 cargo plane kamakailan bago siya tumulak patungo Japan.

Agad naman nagpahatid ng pagbati ang Department of National Defense (DND); Armed Forces of the Philippines (AFP) at pamunuan ng Philippine Air Force (AFP) kay weightlifting champion at first Olympic gold medalist Sergeant Hidilyn Diaz.

“”Her success is a testament to the unwavering spirit of the Filipino to rise above all odds, ani DND Secretary Delfin Lorenzana.

“Her masterful performance in the Tokyo 2020 Olympics, where she also set an Olympic record in the 55kg division, brought pride and glory to the AFP and the country,” ayon naman kay AFP chief of Staff Gen Cirilito Sobejana.

“We wish her the best moving forward. Soar high, airwoman,” pahayag naman ng buong PAF sa pangunguna ng Commanding General nito na si Lt.Gen. Allen Paredes.

Magugunitang nangako ng dalawang Olympian na kasapi ng PAF na sina Sgt Hidilyn Diaz at Eumir Felix Marcial na sasabak sa 2020 Tokyo Oympic bago lumipad patungong Japan matapos mag paalam kay Sobejana na ihahandog nila ang panalo sa kanilang mga kasamahang nasawi sa C-130 plane crash.

“We offer our best performance in our respective events to our countrymen and our fellow soldiers, especially those who suffered in the tragic C-130 plane crash,” ani Marcial at Diaz. VERLIN RUIZ

64 thoughts on “GOLD NI HIDILYN ALAY SA MGA BIKTIMA NG C-130 PLANE CRASH”

  1. 228469 365091Not long noticed concerning your web internet site and are nonetheless already reading along. I assumed ill leave my initial comment. i do not verify what saying except that Ive enjoyed reading. Nice blog. ill be bookmarking keep visiting this internet internet site really generally. 99456

Comments are closed.