UMABOT na sa one million ang subcribers sa YouTube ng Gold Squad na kinabibilangan ni Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin. At dahil sa top-rating teleserye nilang Kadenang Ginto ay malaki ang nagbago sa buhay ng apat na bagets especially Andrea na kasalakuyang ongoing ang construction ng house na ipinapatayo para sa kanila ng Mommy niya.
Hindi lang pag-arte ang inaatupag ngayon ni Andrea, sa murang edad ay pinasok na rin nito ang negosyo kung saan may sarili na rin siyang makeup line sa kilalang brand na Careline (sister company of Ever Bilena).
Isa sa mabenta sa online business na ito ni Marga (Brillantes) ng Kadenang Ginto ay lipstick na favorite ng kapwa niya millennials.
MIGZ COLOMA DEDICATED SA KANYANG SINGING CAREER
NANG ma-interview namin ang bagong recording artist na si Migz Coloma ay kita namin ang dedikasyon nito sa kanyang craft na gagawin niya ang lahat para matupad ang pinapangarap niya sa kanyang singing and modelling career na suportado ng kanyang parents na sina Juvy at Michael Coloma.
Kaya nga nang pasukin niya ang mundo ng recording ay talagang hinasa niyang mabuti ang kanyang sarili sa tulong ng kanyang composer na si Lakan Bagwis Buhawi. And finally ay ire-release na ang CD Lite Album nito na ang carrier single ay “Kayo Na Naman Bang Dalawa” may beat na KPop.
Bagay na bagay kay Migz ang nasabing kanta na nu’ng una niyang marinig na pinatutugtog sa Monkey Radio sa radio program DJ Funky Monkey na “Happy Hour” at sa show ni DJ Diva Hugotera ay sobra siyang na-excite. Kaya, ibinahagi niya sa kanyang mga kaibigan ang episode ng show na unang nag-play ng kanyang danceable song.
In connection with the promo of his CD Lite Album ay may mga naka-lineup siyang TV and radio guestings. Nakatakda rin itong mag-guest sa event para sa Grandparents Day sa Riverbanks Mall sa Marikina. Tiyak na mag-eenjoy ang mga lola kay Migz, sa kanyang paghataw sa stage. Hindi lang sa pagkanta may ibubuga ang nasabing singer-model gayundin din sa pagsayaw. Si Michael Jackson ang number one idol ni Migz. Pan-garap ng mala-KPop na singer ay magkaroon mall tour.
EAT BULAGA WALANG PATID SA PAMIMIGAY NG PAPREMYO
PAGPASOK pa lang ng 2019, ay isang brand new house and lot na ang ipinamigay ng Eat Bulaga. Noong Pebrero at Marso, malalaking cash prize naman ang ipinamahagi ng programa at brand new car naman last April. Noong Hunyo, apat na Dabarkads ang nabigyan ng tig-iisang bagong motorsiklo. Dalawang misis naman ang pinalad na magkamit ng brand new house and lot courtesy of BRIA Homes. Tatlong Dabarkads naman ng Bulaga ang puwedeng maging pensiyonado ng P10,000 kada buwan ngayong buwan ng Agosto. Yes tuloy-tuloy ang selebrasyon ng 40th anniversary ng EB at pamimigay nila ng malalaking papremyo para sa kanilang avid and loyal viewers. Kaya tutok lang every day at malay mo, ikaw na ang susunod na winner dito.
Comments are closed.