GOLD TARGET NG FIL-AM JIN SA ASIAD

Samuel Thomas Harper Morrison

WALANG ibang hangad si Filipino-American Samuel Thomas Harper Morrison kundi ang masungkit ang medalyang ginto sa taekwondo na nakalusot sa kanya sa nakaraang Asian Games sa Incheon, Korea matapos matalo sa finals laban sa katunggali mula sa Iran.

“I am dead serious in my training because I want to win the elusive medal and give the Philippine another honor. I religiously trained hard sharpening my skill to accomplish my mission,” sabi ni Morrison.

Si Morrison ay isa sa mga pambato ng taekwondo sa Asian Games at nangako ito na gagawin ang lahat para makuha ang mailap na gold medal.

Si Morrison ay sumabak sa iba’t ibang international competitions, kasama ang SEA Games, Asian Games, Asian Taekwondo, at Asian Indoor Games at Martial Arts.

Kamakailan ay lumaban si Morrison sa World Taekwondo Grand Slam Series na ginawa sa Wuxi Province sa China at nilahukan ng mga manlalaro mula sa mahigit 30 bansa bilang paghahanda sa Asian Games.

“Hopefully, Morrison and the other athletes would bring home honors,” wika ni Philippine Taekwondo Association secretary- general Monsour del Rosario na sumabak sa 1988 Seoul Olympics, kasama si Stephen Fernandez.

Gaya ni Del Rosario, malaki ang tiwala ni PTA executive director Sung Chon Hong sa kakayahan ni Morrison na manalo sa quadrennial meet na aarangkada sa susunod na buwan sa Indonesia.

“Samuel is one of our bright hopes for the gold,” wika ng 69-­anyos na Korean native at da­ting world champion na permanenteng naninirahan sa Pinas.

Limang lalaki at limang babae ang kakatawan sa bansa sa ­taekwondo sa Asian Games.

Bukod kay Morrison, sasabak din sina Brazil Olympian Kirstie Elaine Alora, US-born Pauline Louise Lopez, Aaron Agojo, Arven Alcantara, Levita Rona Ilao at Darlene Mae Arpon, sa ilalim ng paggabay nina coach Dindo Simpao at Igor Mella.

“All of them are medal potentials. They are strong and toughened by series of overseas exposures and trained in Korea,” sabi ni Sung.

Ang taekwondo ay kasama sa priority sports ng Philippine Sports Commission at isa sa may pinakamalaking budget.    CLYDE MARIANO

Comments are closed.