Nanindigan ang Court of Appeals (CA) ng Pilipinas sa kanilang desisyong protektahan ang karapatan ng taong manirahan sa malusog na kapaligiran, sa pagbawi ng biosafety permit at pag-aatas sa PhilRice ng cease and desist sa kasalukuyang commercial propagation and activities sa genetically modified Golden rice hanggang wala pa silang maipakitang proof of safety dito. Kailangan din umanong sundin nila ang lahat ng legal requirements.
Ayon sa CA, ang cease and desist order ay laban din sa commercial propagation and activities na may kinalaman sa Bt eggplant, isa pang genetically modified crop na kasalukuyang itinatanin ngayon sa Pilipinas.
Ayon kay Greenpeace Southeast Asia campaigner Wilhelmina Pelegrina, panalo ang mga magsasaka sa desisyong ito ng CA, dahil pinagtibay nitobang writ of kalikasan sa legal na proseso. Matagal na umano nilang tinututulan ang mga genetically-modified (GM) crops, upang mapangalagaan ang pagkain, agrikultura at kapaligiran ng bansa. Sa pagbabawal ng propagation at pagsasagawa ng mga aktibidades sa Golden Rice at Bt Eggplant, ipinakita umano ng CA ipinaglalabang pa rin nila at pinangangalagaan ang constitutional rights ng mga Filipinos, aslt ginagawa nila ang kanilang tungkulin sa gobyerno na magsilbi para sa interes ng mga Filipinos sa halip na pumanig sa mga dambuhalang agrochemical companies.
“The proponents of these dubious GM crops should respect the Court’s decision instead of spreading lies in the media against Filipino farmers, scientists, and Greenpeace. They should also respect the right of Filipinos to farm and eat the food they want, instead of forcing Western products in a neocolonial fashion. Filipino farmers and researchers are already addressing nutrition deficiencies through holistic and sustainable solutions to our food systems that entail a more diverse diet, equitable access to food, and ecological agriculture,” Sabi pa ni Pellegrina.
Mula nang ilabas ng CA ang kanilang orihinal na desisyon noong April, binatikos na sa social media ang Greenpeace at mga Filipino petitioners.
Kahit umano sa international news outlets ay naging laman sila ng batikos, kaya naman umalma na ang farmer-scientist group na Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-unlad ng Agrikultura (MASIPAG).
Anila, masyado nang nakadepende ang bansa sa imported GM corn at soya meal para sa animal feeds. Medyo nakakatakot umano ang local GM production dahil hindi pa natin alam kung ano ang side effects nito sa katawan ng tao pero inaprobahan na agad sa Pilipinas.
Aniya, dapat ay may otonomiya ang mga Filipino na pumili ng technology o solution na bagay sa ating pangangailangan.
Kung papayagan umano natin ang infiltration ng mga GM crops sa bansa — lalo na ang bigas na pangunahing pagkain sa bansa — sobra umano itong counterintuitive at magiging panganib sa ating ekonomiya at sa mga magsasakang Filipino.
“Filipinos’ food and agriculture systems are already in a volatile state with our import dependence alongside the worsening impacts of climate change. Rather than aiding foreign corporations seeking to encroach on Filipinos’ agricultural independence and food sovereignty, the Department of Agriculture should instead promote sustainable agricultural solutions that would provide nutrition and ample resources to farming communities, as well as ensure self-sufficiency in the face of the climate crisis,” dagdag pa ni Pellegrina.
RLVN