Goldenberg Concert Series II: Indak ng Musika

SA LAYUNING maisulong ang cultural identity ng bansa, idinaos ng Office of the President, kasama ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang ikalawang piano concert nito.

Tinawag na “Goldenberg: The Concert Series”, ang piano concert ay tinampukan ng mga kapita-pitagang alumni mula Santa Isabel College’s Conservatory of Music. Ang educational institution na ito ay kilala sa paglinang ng musical craft ng mga naka-enroll sa Bachelor of Music course nito, lalo na sa mga larangan ng performance at composition.

Ang piano concert ay idinaos noong Sabado, Abril 13, 2024, sa makasaysayang Goldenberg Mansion. Ang buong araw na show ay may tatlong time slots : 11am, 2pm at 5pm. Ang bawat palabas ay may designated audience mula sa iba’t ibang eskuwelahan.

Ang 11am piano concert ay nag-host sa mga estudyante mula sa Concordia College, Immaculate Heart of Mary College, Aurora A. Quezon Elementary School at Padre Gomez Elementary School.

Ang 2pm piano concert ay para sa mga estudyante ng British School Manila, International School Manila at Philippine Normal University.

Ang huling piano concert sa alas-5 ng hapon ay para naman sa mga estudyante ng Santa Isabel College of Manila, La Salle Greenhills, Ateneo De Manila Junior High at iba pang cultural aficionados.

Ang elite group ng multi-faceted musicians ay kinabibilangan nina Mrs. Cecile Basilio-Roxas, Mrs. Ma. Solinda Garcia-Bautista, Ms. Amor Marie Reyes, Mr. Altair Alonso, Mr. John Patrick De Jesus Reyes at kanyang maybahay, Mrs. Venecia Teresita Tamayo-Reyes. Nabatid na sa grupong ito ng world class performers, tatlo sa kanila ay naging masters ng kanilang sining sa ilalim
ng pangangasiwa ni Mrs. Basilio-Roxas.

Ang “Goldenberg: The Concert Series” ay isang pambihirang oportunidad para maranasan ng mga estudyante na mahilig sa musika ang nakamamanghang performance ng mga kilalang musicians sa isang maringal na setting.

Ang nakabibighaning programa ay nagpakita ng iba’t ibang range ng musical genres, mula classical masterpieces sa contemporary compositions. Ang bawat performance ay isang pagpapahayag ng mastery at pagkadalubhasa ng
mga tampok na alumnus.

Habang ang special event na ito ay nakatuon sa musical talents ng alumni ng Santa Isabel College of Manila, ang produksiyon ay para rin sa kapakinabangan ng mga estudyanteng mahilig sa musika.