GOLEZ INILIBING NA

Jose Roilo Golez

BUMUHOS  ang emosyon sa paghahatid sa huling hantungan  kay dating National Security Adviser Jose Roilo Golez ngayong araw sa Heritage Park sa Taguig City.

Dumalo sa libing ang mga malalapit na kaanak at kaibigan ng dating kongresista sa pangunguna ng kanyang asawa at mga anak.

Binigyan ito ng 3-volley salute at full military honors para sa kanyang serbisyo sa Philippine Navy bilang naval captain.

Pumanaw si Golez noong Hunyo  11 sa edad na 71 dahil sa cardiac arrest.

Comments are closed.