SERBISYONG kapulisan sa pamamagitan ng sports ang sentro ng usapin sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Oct. 17, sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.
Pangungunahan ni P/Dir. Pedro Bulaong (ret.) ang mga opisyal ng organizing committee para talakayin ang fund-raising golf tournament Manila Finest Golf Cup na nakatakda sa Disyembre 9, 2024 sa public sports forum na nakatakda sa alas-10:30 ng umaga.
Makakasama niya sa programa si tournament director Darren Evangelista at ang iba pang opisyal tulad nina P/Maj. Bonifacio Aporo (ret), P/Maj Eduardo Villanueva, P/Maj, Mario Magno (ret), P/Maj. Jose Canares (ret), P/Maj. Alice Santos (ret), P/Maj. Ofelia Torres (ret), at P/Maj. Lily Olayres (ret).
Inaanyayayahan ni TOPS president Maribeth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga opisyal at miyembro, gayundin ang mga sports enthusiast na makiisa sa talakayan na mapapanood via livestreaming sa TOPS ‘Usapang Sports’ Facebook page at sa Channel 8 ng TVC Pinoy Ako (PIKO) – ang pinakabagong network mobile apps na libreng mada-download sa Android phone.