Ang Gomburza ay pinagsama-samang pangalan ng tatlong martir na paring Pilipinong sina Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora. Binitay sila ng mga Kastila sa pamamagitan ng garote na wala man lamang abugado noong Pebrero 17, 1872. Pinaratangan sila sa planong pagpapatalsik ng pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872.
Sa pagbitay sa kanila, nag-iwan ito ng mapait na damdamin sa maraming mga Pilipino, lalo na kay Dr. Jose Rizal. Inihandog ni Rizal ang kaniyang nobelang El Filibusterismo sa tatlong paring ito.
Aktibo ang tatlong pari sa publication ng diariyong La Verdad. Noong February 17, 1872, isa si Padre Burgos sa mga paring binitay dahil sa mga maling akusasyon ng sedisyon at treason, at umano’y aktibong role sa Cavite Mutiny. Binitay sila sa Bagumbayan at naging martir sa paningin ng lahat. Kung tutuusin, sila ang dahilan kung bakit nag-apoy ang damdamin ng mga Filipino na magkaroon ng kalayaan.
Nabigyang inspirasyon ng tatlong pari ang Ilustrado movement at si Jose Rizal, kaya nga naisulat niya ang kanyang ikalawang nobela, ang El Filibusterismo. Noong 1998, natagpuan ang kanilang mga labi sa Paco Cemetery. Naglagay sila ng memorial marker sa kanilang burial site.
Si Burgos ang unang binitay sa tatlo gamit ang garrotte. Si Burgos ay naglilingkod sa Manila Cathedral habang si Mariano Gomes de los Angeles ay sa Bacoor, at si Jacinto Zamora ay sa Marikina.
Sa liham ng tatlong pari kay Rizal, sinabi nilang paghigantihan ang mga Kastilang nang-aapi sa mga Filipino na biktima ng pag-aabuso at kalupitan, pagpaparusa, pagkakulong at pagpatay kahit walang kasalanan. Sa ngayon, patuloy na inaalala ang kabayanihan ng tatlong martir na paring GOMBURZA. JAYZL VILLAFANIA NEBRE