GOMEZIAN NAGHARI SA PHILRACOM JUVENILE STAKES RACE

NAPANATILI ng Gomezian ang mainit na streak sa pamamagitan ng impresibong finishing kick noong Sabado sa pagkopo ng first leg ng 2021 Philracom Juvenile Stakes Race-Industry Charity Race sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

Lulan si star jockey OP Cortez, hindi binigo ng Gomezian ang kanyang mga tagasuporta kung saan kinolekta ng chestnut filly ng Sakima mula sa Hot Yoga ang winner’s purse na P600,000 para kay horse owner Freddie Santos.

Tinalo ni Gomezian, bred ng Esguerra Farms ni businessman/sportsman Hermie Esguerra, ang Radio Bell at Ballet Champion sa oras na  1:17 (7’-21’-22’-25’) sa 1,300 metrong takbuhan.

Inisponsoran at sinuportahan ng Philracom, ang karera ay idinaos para sa kapakinabangan ng Pintig Puso Pilipinas Inc.

Inangkin ng Radio Bell, Sakimas sibling mula sa Radioactive Love, ang runner-up honors na nagkakahalaga ng P225,000. Tumanggap naman ang Southern Man ng P125,000 para sa kanyang connections makaraang tumapos sa ikatlong puwesto habang pumang-apat ang  Ballet Champion para sa P50,000 premyo.

Nauna rito, ang Gomezian ay nagwagi sa Philracom Two-Year-Old Stakes Race sa oras na 1:17(7’-21’-22’-26’) sa distansiyang 1,300 meters. Nag-uwi ang chestnut filly na sinanay ni DR Dela Cruz ng  P600,000 para sa kanyang connections.

Tumapos ang Pharaoh’s Gift, Victorious Princess at Doña Chichay sa second, third at fourth places, ayon sa pagkakasunod-sunod, para sa premyong P225k, P125k at P50k.

145 thoughts on “GOMEZIAN NAGHARI SA PHILRACOM JUVENILE STAKES RACE”

Comments are closed.