GONDOHFEZ by HK AESTHETICS

GONDOHFEZ-1

Balik-ganda, balik-alindog

(ni CYRILL QUILO)

BALAT ang pinakamalaking bahagi ng katawan. May tatlong layer ang balat—ang dermis, epidermis at hypodermis. Ang epidermis ang outer layer ng balat na nagbibigay ng skin tone o kulay at nagpapanatili ng temperatura ng katawan. Ang dermis naman ang ilalim na bahagi ng epidermis na nagkokonekta sa tissue ng tao at dito tumutubo ang balahibo at lumalabas ang ating pawis. At ang bahagi naman ng balat na may taba na naka-connect din sa tissue ay ang hypodermis.

Habang ang tao ay nagkakaroon ng edad, nababawasan din ang ganda ng balat. Nababawasan ang collagen na siyang nagbibigay-ganda at kinis sa balat. Kaya’t dapat na maging maalaga tayo.

May mga ginaga­mit na pampaputi o kaya beauty products na gawa sa Filipinas at maging sa ibang bansa. Tinatangkilik ito ng marami.

GONDOHFEZ-3Bukod sa mga produkto, marami na ring techniques o machine na maaaring ga­mitin upang ma-achieve ang gandang nais. May mga taong hindi pina­lad na magkaroon ng magandang kutis o katawan, pero marami ng paraan ngayon.

Sabi nga, walang imposible sa siyensya at salamat dok. Salamat dok na ibig sabihin ay salamat kay dok at nagawan ng remedyo o paraan.

Ang hitsurang ninanais ay puwede na ring makamtan. Ang da­ting ‘di kaaya-ayang hitsura ay maaari nang gumuwapo at gumanda. Ang mataba ay maaari ng pumayat basta may pera lang.

Hindi na rin tayo nahuhuli sa ibang bansa pagdating sa siyensya. Hindi na kailangan pang pumunta sa ibang bansa upang magpaganda.

Sa Pinas, may mga high-end na skin clinic na naghahandog ng murang services na tipong mayaman lang ang makaa-afford.

Paano naman ang mga taong gustong magpaganda kahit hindi masyadong kaya ng budget?

May isang skin clinic sa Pasig ang nagbibigay ng mura at magandang serbisyo – ang Gondohfez by HK Aesthetics. Naisipan ito ng isang Political Science graduate na si Helen Shella Kalany. Hindi na niya naituloy ang pagpasok sa law school bagaman ang ilan sa kanyang mga kapatid at ama ay mga abogado at doktor. Dahil sa impluwensya ng mga kaibigan at magandang oportunidad na rin sa beauty industry, ito ay kanyang sinubukan.

GONDOHFEZ-4Nag-aral siya sa iba’t ibang lugar at nag-training sa America upang matutunan ang linya ng pagpapaganda. Sa murang edad ay naisipan niyang magtayo ng klinika upang makatulong sa mga nagnanais na gumanda na hindi kinakailangang gumastos ng malaki.

Ang Gondohfez by HK Aesthetic ay itinayo noong Enero nitong taon sa pusod ng Pasig.

Nag-umpisa siya sa isang bed muna at nag-imbita ng mga kaibigan para subukan ang makabagong machine na kanyang ipinundar. Hanggang sa patuloy na nadaragdagan ang kanyang mga gamit.

Isa sa sikat ngayon ang HIFU dahil swak ito sa mga taong lumalawlaw ang balat o nagsa-sag.

Pinapa-firm at tight ng procedure na ito ang balat. HIFU machine ang ginagamit sa natu­rang proseso.

Ang HIFU Machine ay high-intensity focus ultrasound gamit ang heat. May lalim na tumatagos hanggang 3.0 mm-4.5 mm. above the muscle at dermis area sa gitna lang ng ating muscle.

Bukod sa HIFU, may iba pang inihahandog ang Gondohfez HK Aesthetic gaya na lang ng mga sumusunod:

MICROBLADING EYEBROW EMBROIDERY

Sa mga taong manipis ang kilay at laging on-the-go, puwedeng subukan ang microblading eyebrow embroidery.

LIP TATTOO

Ang lip tattoo ay swak sa mga tamad mag-lipstick at gusto lang na parang natural ang pagka-pinkish ng labi.

Lip augmentation din ito para mas ma-emphasize ang kanilang labi na hindi ginagamitan ng karayom kundi ang kanilang GONDOHPEN.

BB GLOW

Kung nasi namang magkaroon ng kutis koreana na super porselana, puwede namang subukan ang BB Glow na isang semi-permanent foundation.

CARBON PEEL

GONDOHFEZ-2Isang klase ng facial gamit ang carbon para sa pigments at imperfections. Puwedeng-puwede itong subukan ng mga taong prone sa pimple, oily skin, acne scars, blemishes at hypopigmentation. Nakapagpapasara rin ito ng pores. Nakapagpapaputi rin ito ng kili-kili at nakaaalis ng buhok.

Mayroon ding GONDOHFEZ lift Ultheraphy Hifu para sa face and body na pinapaliit ang mga taba na parang liposuction na NO PAIN. Nag-aalis din sila ng tattoo na hindi papangit ang balat.

Kung nagnanais ng flawless skin, wrinkle free, slim body at younger look, puntahan lang at magpaganda sa Gondohfez by HK Aesthetics na matatagpuan sa Unit L305 One Oasis Hub A Ortigas Ave. Extension, Pasig City. Maaari ring tumawag sa kanilang te­lepono na 09165642348. Bukas ito araw-araw mula 10am hanggang 6pm.

Comments are closed.