GONZALES UMAPELA NG PAGKAKAISA

Rep Gonzales

SINABI kahapon ni Pampanga 3rd District Congressman Aurelio ‘Dong’ Gonzales na nakalalakas ng loob ang endorsements na kanyang natatanggap  para sa speakership at nanawagan sa kanyang mga kasamahan na magkaisa para sa kapakanan ng bansa.

“Unity should rule the day. Political partisanship and biases have been destroying our country. This has to stop,” wika ng kongresista.

Sa kabila ng suporta na kanyang nakukuha, sinabi ni Gonzales na susundin niya ang magiging patnubay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa liderato ng PDP-Laban.

“As the leader of PDP-Laban, President Duterte’s guidance on who should get our support for the speakership will prevail over our personal posi-tion on this matter. PDP-Laban will act as one when the right time comes but definitely, no one can really claim that he is already the next Speaker,” ani Gonzales.

Si Gonzales ay nananatiling isa sa ‘most viable candidate’ para sa  speakership sa kabila ng pagtatangka ng kanyang mga katunggali na palabasing sila ang frontrunners at preordained choice para sa top House leadership.

Isang senior PDP-Laban congressman ang nagsabing ang House of Representatives sa ilalim ng liderato ni Gonzales ay isang matalinong pagpapasiya sakaling magkaroon ng ‘free-for-all’ sa bakbakan para sa Speakership, hindi lamang dahil sa mi­yembro siya ng partido ng Pangulo, kundi dahil din sa kanyang malakas na koneksiyon at relasyon a mga miyembro ng lehislatura.

“A lot of congressmen would be really happy to see Dong become the Speaker.  He is very down-to-earth and a very good friend to all.  Barkada ng lahat ‘yan. Walang masamang tinapay sa taong ‘yan,” ayon sa source na ayaw ipabanggit ang pangalan dahil nais umano ng mga kongresista na maging maingat  hinggil sa kanilang personal choice habang hinihintay nila ang posisyon ni Pangulong  Duterte sa naturang bagay.

“Rep. Gonzales’ relationship with the members of the House makes him the perfect choice for the speakership as this would mean that he could easi-ly navigate through the various partisan groups and interests to secure support for important pieces of legislation,” sabi pa ng source.

“He will be a uniting speaker,” dagdag pa niya.

Aniya, lubha itong mahalaga lalo na’t ang susunod na tatlong taon ay magiging krusyal na panahon para sa pagpasa ng enabling law na magpapagulong sa transition ng bansa sa pe­deralismo.

“Because Gonzales has no illusions for any national elective position and is not backed by any business interest, he will be the best choice to push for President Duterte’s quest for federalism and steer the passage of highly divisive legislations,” sabi pa ng source.

Si Gonzales ay nag-akda ng House Resolution 08 na humihiling na  buuin ang Kamara at Senado bilang Constituent Assembly upang amyendahan ang 1987 Constitution.

“The next speaker will be at the center of many controversial and highly divisive issues for the next three years. Dapat may dibdib ‘yan at kayang sa-lagin ang lahat ng mga ibabatong issue dahil wala siyang pinoprotektahan na tao o interest,” ayon pa sa source.

Gayunman, mas makabubuti umano kung magkakaroon ang Pangulong Duterte ng categorical position sa kanyang manok para sa susunod na Speaker upang maiwasan ang political skirmish sa kanyang mga kaalyado.

“Everyone will definitely toe-the-line if the President makes his position on this matter about the speakership. Let’s stop kidding ourselves. The Speaker should be a presidential choice,” aniya.

Comments are closed.