GOOD FENG SHUI SA HOUSE DESIGN

SABI nila, malaki ang epekto sa buhay kung saang direksyon nakaharap ang bahay – yan ang sabi ng mga Feng Shui experts. Pero kung ang main goal ninyo ay pagpa-practice ng Feng Shui at tulungang dumaloy ang positive energy sa inyong bahay, mas okay kung meron kayong natural light at maganda rin ang ventilation ng bahay ninyo. Mahalaga ang araw at hangin na may sariling dalang enerhiya sa Feng Shui.

Ngayong alam na ninyo ang ideya ng basics of Feng Shui, i-welcome na ninyo ito sa iyong silid o sa buong bahay mo na.

Para makagawa ng  good feng shui, magsimula ka sa pag­lilinis ng bahay lalo na ang mga bintana. Pag malinis ang bintana, madaling pumasok ang sikat ng araw. Ang init ng araw ang tutulong sa natutulog na diwa upang magi­sing at makapagplano ng maayos.

Mas maganda raw ang house design plan na may mga silid na hindi masyadong malaki at hindi rin naman masyadong maliit. Dapat din daw iwasan ang L-shaped buildings at rooms, dahil mukha itong malaking butcher knife na malas sa Feng Shui.

Bilog ang pinakamagandang hugis sa feng shui rules ng bahay dahil ito raw ang hugis ng kalangitan. Ang mga elemento ng bilog ay metal – partikular ang ginto. Importante rin ang numbers six and seven sa hugis na bilog.

Kung magpapatayo ng bahay, sinasabi ng feng shui na tag-ulan ang magandang panahon para magpatayo ng bahay. Kasi, mas mura ang materyales pag tag-ulan. Pero may tatlong prinsipyo ang feng shui na dapat sundin.

Tingnan ang mga mahahalagang prinsipyo ng feng shui: ang comman­ding position, ang bagua, at ang limang elemento. Para sa mas maswerteng bahay, gawing pula ang kulay ng front door.

Wala naman sanang pangit na kulay sa feng shui, gayunman, pula talaga ang pinakama­swerteng kulay na pwedeng gamitin sa pintuan. Makapangyarihan ang kulay na ito na nagbibi­gay ng proteksyon at pinapalitan pa ang mga negative energy para maging positive energy. Pula ang representasyon ng apoy na simbulo ng inspirasyon, passion, at init. JAYZL VILLAFANIA NEBRE