GOOD LUCK, CHRIS TIU!

on the spot- pilipino mirror

BAGAMA’T ‘no bearing’ para sa Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang laro kontra NLEX Road Warriors kamakalawa ng gabi, hindi pa rin sila nagpabaya ang tropa ni coach Caloy Garcia at naglaro sila nang mabuti upang talunin ang mga bataan ni coach Yeng Guiao. 107-101.  Naglaro ang RoS na walang import dahil umuwi si Terrence Watson upang samahan ang asawang manganganak sa abroad.

Habang si Chris Tiu ay last game na niya at last conference na niyang maglalaro para sa Rain or Shine. Ayon sa dating player ng Ateneo Blue Eagles, magpapaalam na siya sa paglalaro sa PBA at sa team. Haharapin na ni Tiu ang family business nila na dapat daw ay last year pa niya ginawa kaso ay laging nakikiusap ang RoS management na mag-extend pa siya na hindi niya matanggihan dahil sa super bait ang mga team owner na sina Raymond Yu at Terry Que.

Nakalulungkot isipin dahil napakabata pa ni Tiu upang iwanan na ang kanyang basketball career. Sa edad niyang 33 ay marami pa siyang paghihirapan. Last Saturday ay breaking the record ang kinamada niyang  30 points, na may kasamang 5 assists at 4 rebounds.

“Actually, dapat noon pa ako huminto sa paglalaro. Almost two years din ‘yung in-extend ko. And it’s about time na harapin ko na ‘yung family business namin,” aniya.

Kung nalulungkot si Chris ay higit ang kanyang fans at followers na mula pa noong college days niya sa Ateneo ay nagtsi-cheer na sa kanya hanggang pagtuntong niya sa PBA. At sa last game niya ay naroon ang kanyang mga taga-suporta, isa na rito ang loyal fan niyang si Sharon.

“Lungkot na lungkot ako, ate Malou, kasi napakabait na player niya. Bihira sa mga player ang katulad niya, kahit super rich si Chris Tiu down to earth po siya sa kanyang mga supporter. Pero desisyon niya ‘yun. Sakaling nais niya pang bumalik maglaro, nandito lang kami para sa kanya. I LOVE YOU, CHRIS TIU,” aniya.

Isa sa nanghihina­yang ay ang kanyang teammate na si James Yap.” Wala tayong magagawa, desisyon ‘yan ni Chris,” ani James. Bata pa raw si Tiu, kaso naka-focus na rin siguro ang puso’t isipan ni Chris na tumigil na sa paglalaro. Mami-miss ko siya kasi everytime na may out of town game kami lagi kaming magka-roomate, saka ‘yung sa FIBA,” dagdag pa ni James.

Sa totoo lang, ako rin naman sad dahil last game na nga ni Tiu noong Sabado. Kahit last game na ng ROS at ng player ay todo bigay pa rin siya sa paglalaro para sa kanyang pamilya, management at fans ng Elasto Painters. Hinding-hindi makalilimutan ang isang Chris Tiu sa basketball dahil kahit noong nasa Ateneo pa lang siya ay gumawa na siya ng pangalan, gayundin sa showbusiness. Dalawa na rin ang anak niya na parehong babae. Ayon pa rin sa kanya, mabilis ang panahon at lumalaki na ang kanyang mga anak at nais nitong maharap na rin ang kanyang mga anak at pamilya.

Anyway, to Chris Tiu, GOOD LUCK TO ANOTHER CAREER na tatahakin mo.

Comments are closed.