GOOD LUCK! (Gilas biyaheng China para sa FIBA World Cup)

Gilas

AALIS ngayong umaga pa­tu­ngong China ang Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup.

Bago umalis ay sumalang sa praktis ang mga Pinoy kahapon sa Meralco gym.

Sisimulan ng Gilas ang kanilang kampanya laban sa powerhouse Italy sa  Foshan International Sports and Cultural Center sa Agosto 31.

“Right now, we’re just putting the finishing touches and making the final adjustments,” wika ni national team head coach Yeng Guiao noong Martes.

“Hopefully, we’ve done our best to be as ready as we can be.”

Ayon kay Guiao, sasandal sila sa chemistry at umaasang gagana ang outside shooting ng mga Pinoy laban sa Italy side na pinangungunahan nina NBA standout Danilo Gallinari at EuroLeague star Luigi Datome.

Matapos ang duelo sa Azzurri, makakasagupa ng Nationals ang isa pang heavyweight sa katauhan ng Serbia, isa sa mga koponang pinapaborang magwawagi ng gold, at ang All-NBA First Team center nito na si Nikola Jokic sa  September 2 bago makaharap ang Angola pagkalipas ng dalawang araw.

Ang Gilas ay galing din sa dalawang tune-up games laban sa bumibisitang Australian pro ballclub at sa 10-day training camp sa mga lungsod ng Guadalajara at Malaga, na kinabilangan ng isang pocket tournament na nagtampok sa world no. 2 Spain

Ang official 12-man roster ng National Team ay kinabibila­ngan nina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Troy Rosario, Japeth Aguilar, Roger Pogoy, Norwood, Mark Barroca, Paul Lee, Raymund Almazan, comebacking Kiefer Ravena, at Gilas newcomers Robert Bolick at CJ Perez.

Si Pogoy ang tanging natural shooter sa koponan sa pagkawala nina injured Marcio Lassiter at Matthew Wright.

Bagama’t bahagyang nababahala, si Guiao ay kumpiyansa sa kanyang koponan.

“Crucial ang outside shooting natin, pero I feel these guys can step up when the time comes,” ani Guiao sa PSA Forum noong Martes.

Ang Gilas ay nasa Group D, kasama ang Serbia, Italy at Angola.

Comments are closed.