GOOD PERFORMANCE SA MGA SUMUSUPORTA KAY FM

NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga patuloy na sumuporta at nagmamahal sa kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na tatanaw siya ng utang na loob sa mga ito at bilang ganti ay magandang pagganap naman bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

Ang pangako ay bahagi ng talumpati ng Pangulo sa Thanksgiving mass sa puntod ni FEM sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City bilang paggunita sa ika-105 kaarawan ng ika-10 Pangulo ng Pilipinas.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang lahat na nakilahok sa pag-aalala sa kaarawan ng ama.

“I would just like, in behalf of the Marcos family, to thank you all for joining us to commemorate once again the birthday of President Ferdinand Edralin Marcos. ”

Ngunit ang pasasalamat ko ay hindi lamang para sa araw na ito, ang pasasalamat ko ay sa taon-taon ninyong hindi kami iniiwanan, nakatutok kayo at sumusuporta.

Ang isusukli ko lang sa inyo, sa inyong suporta, sa inyong pagmamahal ay ang magagandang performance na aking gagawin sa darating na taon,” bahagi ng talumpati ng Pangulo.
Sinagot din ng Pangulong Marcos ang katanungan ng marami kung bakit nagse-celebrate ng birthday ng minamahal kahit wala na at para sa kanya ay upang mapanatili na buhay sa alaala ang mahalaga at minamahal na tao sa buhay, hindi lamang ito patungkol sa kanyang ama kundi sa pangkalahatan.

Aniya, ang pag-alaala sa kaarawan ng kanyang ama ay hindi lang sa pisia kundi sa diwa, sa pangarap, karunungan at pagmamahal sa Pilipinas.

Kaya naman hinimok nito ang lahat na panatilihin ang init ng diwa sa kanyang ama na siyang patnubay para sa maayos na serbisyo at pagbangon ng minamahal na bansa.

“So let us keep that, let us keep that flame alive. It is reborn. Let us keep it strong and bright and let it guide us through all that we do in the future in the service of our beloved Philippines,” dagdag pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ