SA isang bahagi ng 6th Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Inter-sessional Ministerial Meeting na ginanap kamakailan, itinulak ni DTI Secretary Ramon Lopez ang Philippines’ (PH) agenda para sa mas malaking lugar sa merkado ng ilang local agricultural products tulad ng saging.
“The Philippines is engaging in high-level bilateral meetings to reach a mutually beneficial arrangement with our partner countries,” sabi ni Sec. Lopez. Ibinunyag ng Kalihim ang mas maliwanag na pag-asam sa daan sa merkado para sa ating banana exports. Ang mga bansang kasali ay gagawa ng kanilang sariling pamamaraan para marating ang konklusyon dito sa pakikipagkasundong gagawin.
Ang Filipinas ay isa sa mga pinanggagalingan at tagapagpa-angkat ng saging sa buong mundo at kalimitan ay pinakamalaking supplier sa maraming bansa sa Asya.
Comments are closed.