GOODAH NI BOY ABUNDA SA TIMOG, QC DINUDUMOG

BOY ABUNDA

NOON pang Set­yembre 2015 binuksan ang Goodah franchise ng  host/talent manager na si Kuya Boyentra eksena Abunda na located sa kinapupuwestuhan noon ng nasunog na Ozone Disco sa Timog Avenue, Quezon City. Nakakain na rin kami ng i­lang beses dito at para­ting puno ang nasabing food chain ni Kuya Boy.

Kaya siguro matagumpay ang King of Talk (Abunda) sa unang sabak sa negosyong restaurant ay dahil ang ilang bahagi ng kita ng Goodah, ay kanyang itinutulong sa itinayo at pinamamahalaang foundation na Make Your Nanay Proud (MYNP) kung saan mismong kompanyang Goodah ay suportado dito  si Kuya Boy.

Tulad na kapag nag-order ng specialty ng sikat na Kapamilya host na Boy’s Bistek, you contribute three pesos to MYNP.

BATANG MODEL-ACTOR NANGANGARAP

MAGKAROON NG PUWANG SA SHOWBIZ

KUNG noon ay urong-sulong ang aming long-time friend from Tape Incorporated na si Ronnie Cabreros sa paghawak ng talent ngayon ay seryoso na raw ito. Now, maliban sa alagang pamangking aktor na si Christian Gio, na nakalabas na sa ilang show ng GMA. Dalawa pa sa mina-manage ngayon ni Ronnie ay ang model-actor din na tulad ni Gio na sina Neil Antonio at ang morenong bagets na si Alexis Cabrera.

Sa edad na 19 at 5’6 ang height ay may “k” sa ramp modelling si Alexis na na­ging First Runner up noon sa Mr. SPI 2017 sa kanilang school. At tulad ng mara­ming newcomer, hangad rin ni Alexis na sa tulong ng kanyang manager ay magkaroon siya ng puwang sa showbiz at mabigyan ng maraming project. At hindi naman daw mapapahiya ang kukuha at magtitiwala sa kanya dahil marunong siyang umarte mapadrama man o comedy. Isinasalang din ni Ronnie ang mga talent niyang ito sa mga fiesta o sa anumang events.

STUDIO AUDIENCE PUWEDENG MANALO

NG P5K EACH ARAW-ARAW SA GUHIT BULAGA PLUS

ISANG bagong segment sa Eat Bulaga ang kinagigiliwan ngayon ng lahat ng studio audience sa Broadway Studio at lahat ay naghahangad na matawag ang numero nila sa kulay (green, red, yellow, at blue) na kinabibilangan. Aba’y kapag matawag ang pangalan nila ay presto! makakapaglaro na sila sa “Guhit Bulaga Plus.” May chance na silang manalo ng P5k at makaka-partner pa nila ang mga naguguwapuhang miyembro ng BAES. Sobrang dali lang ng mechanics, walang ibang gagawin kundi sasagutin lang kung ano ‘yung bagay na iginuguhit ng Bae sa whiteboard. Kapag nahulaan wagi na agad ng 5,000 at tatlo ang puwedeng manalo rito ng nabanggit na halaga.

Comments are closed.