NAKALULUNGKOT naman at magpapaalam na ang team ng Alaska Aces sa PBA. Huling conference na ng Aces ang Governors’ Cup.
Pagkatapos ng 35 years na paglalaro sa PBA ay tuluyan na nilang iiwan ang professional league. Hinding-hindi makakalimutan ng PBA fans at followers ng Alaska ang kanilang paglalaro sa PBA.
Nagbigay rin sila ng buhay sa liga sa loob ng mahigit tatlong dekada. . Maraming natulungan at pinasikat na players ang naturang team tulad nina Johnny Abarrientos, Jojo Lastimosa, Bogs Adornado, Abet Guidabrn Bong Hawkins, Bong Alvarez, Rodney Santos at iba pa. Salamat, Alaska Aces, salamat, Mr Wilfred Uytengu sa pag-extend sa paglalaro sa PBA. Kasi ay matagal nang napapabalitang ibebenta ninyo ang franchise ninyo. Ngunit dahil sa pagmamahal ninyo sa inyong mga, fans at sa PBA ay hindi natuloy-tuloy ang pag- alis ninyo sa PBA.
Pero totoo na nga ba ito, good bye na kayo sa PBA!? Anyway, hindi namin makalilimutan ang inyong commercial, “WALA PA RING TATALO, SA ALASKA.”
vvv
Pinamukha talaga ng Meralco sa kampo ng Brgy Ginebra ang kanilang galit sa pagpunta ni Nards Pinto sa Gin Kings. Naging emosyonal nga si coach Norman Black na makita si Pinto na sa ibang koponan na naglalaro.
Nanalo ang Bolts sa Ginebra. Nakatulong nang malaki sa Meralco ang pagkuha kay Chris Bachero na nanguna sa para maiuwi ang panalo.
Maganda rin naman ang ipinakitang laro ni Pinto para sa kanyang mother team na ikinatuwa ni SMC Sports Director Alfrancis Chua.
Bawi na lang sa susunod, lalo na at baka makahabol si Stanley Pringle bago matapos ang elimination round. Balita nga namin ay nakakasama na ito sa ensayo ng Ginebra.
vvv
Mukha yatang ang Magnolia Hotshots ang malakas ngayon sa Governors’ Cup. Mahusay ang kanilang impprt na si Mike Harris. Perfect ang combination ni coach Chito Victolsro sa mga player.
Bagaman ang bago nilang rectruit na si James Laput ay nadale agad ng injury, nandiyan naman sina Rafi Reavis at Ian Sangalang para tumulong sa team.